Loser
~~~🌸~~~
Isa-isa kong pinulot ang mga libro kong nagkalat sa gitna ng hallway. It was too many of them at sumabog ang lahat sa daan.
May ilang estudyante na dinadaanan lang ako na para bang walang pakialam. May ilan na tumatawa habang ako ang pinag-uusapan because it was very obvious. May iba na kung tingnan ako parang nandidiri sa akin kahit na wala naman akong ginagawa. At ilan pa sa kanila, sinipa ang ilan sa libro ko kaya lalo itong lumayo.
I sighed as I continue to pick up them one by one matapos kong ayusin ang suot na makapal na salamin.
Nakaluhod ako habang isa-isa iyong pinupulot. This actually usually happens. Ang totoo, parang normal na lang sa akin ang ganitong scenario kapag papasok ako sa eskwela. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parati nila akong kinukutya, pinagtatawanan, at ginagawang clown sa loob ng klase.
Katulad ngayon, pinag-pasa-pasahan nila Olivia ang bag ko pagkatapos ay kinalat ang lahat ng gamit ko sa hallway.
I wanted to fight back. Nagagalit ako sa kanila, naiinis at minsan hindi ko na alam kung paano itatago ang galit. Nanginginig ang kamao ko at mabilis ang tibok ng puso because I really wanted to fight back, but I can't. I don't know how, I don't have the guts to even lift a finger, at wala akong lakas ng loob kahit na kunti.
Parati ko na lang sinasabi sa sarili ko na isang araw, titigil din sila. Isang araw mapapagod din sila, at isang araw hindi na lang nila ako mapapansin. But it's been 3 years now. Since I started my highschool life journey, hindi na nila ako tinigilan.
I will not lie, napapagod na rin ako sa ganito pero wala akong magawa. Sa oras na lumaban ako, ako lang din ang matatalo. Sinubukan ko ng magsumbong pero walang nangyari. Kilala ang mga magulang nila, kilala ang pamilya. At masakit man ang katotohanan, pero walang gustong kumampi sa akin sa lugar na ito. The only option that left me was to stay quiet, tanggapin ang mga gagawin nila dahil wala akong pagpipilian.
"Malia!" Narinig kong tawag sa akin ni Olivia.
Ayoko sa sana siyang lingunin o pansinin. Pero kung gagawin ko 'yon, sigurado na mas magagalit siya sa akin at lalo lang akong pag-ti-tripan. Kaya kahit na ayoko, wala akong nagawa kung hindi ang umangat ng tingin matapos kong ayusin ang makapal na salamin.
"Can you please get out of my way? Nakaharang ka!" Mataray nitong sabi. Nakatayo siya sa harapan ko, nakapamewang habang nasa kaniyang likuran ang apat sa mga kaibigan niya.
Nagmadali kong pinulot ang natitira kong gamit sa sahig bago umalis sa harapan niya kahit malawak naman sana ang hallway. Pero bago ako tuluyang makaalis sa harapan niya ay pinatid niya ang kaliwa kong paa. Muli akong napasalampak sa sahig kaya muling nagkalat ang mga gamit ko sa buong hallway.
Lalong lumaki ang komusyon, lalong dumami ang nakatingin sa amin lalo na at tumawa ng sabay-sabay sina Olivia at ang mga kaibigan nito.
"What the hell, Malia? Walang tubig dyan kaya bakit ka dyan lumalangoy?" Sabi ni Harlene, ang isa sa mga kaibigan ni Olivia pagkatapos ay lalo pang nagtawanan ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/331723761-288-k476380.jpg)
YOU ARE READING
IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )
RomanceMaliasandra Amore, is a typical young woman dreaming of a fairytale. A girl who just wanted love and acceptance. Ngunit paano kung pagdating sa huli, tadhana mismo ang sumira sa kaniyang mga pangarap? Paano kung sa kabila ng lahat, the fairytale she...