Kabanata 39

97 4 0
                                    

Baby


~~~🌸~~~


"I am okay, Kian. I can walk on my own." Mahina akong natawa nang punahin ko ang pag-alalay niya sa akin. Alam ko na nag aalala lang siya but he is overdoing it. Maingat niya akong inalalayan palabas ng sasakyan. He holds my right elbow and hand na may kasamang sobrang pag-iingat.


I know Kian, and I know that there are still things he does that surprise me. Sadyang hindi ko alam kung masasanay ba ako sa ganito.


Ngumiti siya at saka maingat na isinara ang pinto sa gilid ko. Napapailing na lang ako. I also told him that we could set an appointment for tomorrow or the next day pero ipinilit niya na ngayong araw na pumunta sa Doctor na kilala niya to have my check up. I was actually a bit nervous. Hindi ko alam kung para saan pero kanina pa hindi matigil sa pagkabog ang dibdib. But everytime I look at Kian, kumakalma ang dibdib ko kahit papano na para bang sinasabi nito na hindi ko kailangan matakot. Kian's here, and I know that there's no reason to be afraid.


Pagpasok namin ng clinic, may lumapit kaagad sa amin para mag-assist. There are other patient in the waiting area pero mukhang kilala na agad ng nurse si Kian na mabilis na lumapit sa amin.


"Mr. Kim, good afternoon po." Bati nito kay Kian bago humarap sa akin ng nakangiti.


"Miss Maliasandra?" Tanong niya sa akin.


Nakangiti akong tumango.


"Dito po tayo." Itinuro niya sa amin ang isang pinto sa hindi kalayuan.


Tumingin ako kay Kian nang nagtatanong. Though I want to finish it as fast as we can, I know there are other patients waiting. I don't want to be unfair pero mukhang naintindihan ni Kian ang iniisip ko. Marahan niyang hinaplos ang bewang ko at saka bumaling sa akin.


"I called and set up an appointment earlier; don't worry." Sabi nito with full of assurance.


Hindi ako sumagot pero napaangat ang isa sa mga kilay ko bago tumingin sa ilang pasyente sa naghihintay. Nauuna sa amin ni Kian iyong nurse bago ito huminto sa tapat ng isang pinto.


"Nasa loob na po si Doctora, naghihintay." Sabi nito.


Pumasok kami ni Kian sa loob. Isang babaeng Doctor ang sumalubong sa amin. She's sitting on her chair na agad na tumayo nang makita kaming pumasok.


"Kian, you're here!" She casually greeted Kian as if they knew each other very well. Nagulat din ako. She was the only person inside this room, so I am sure that she's the doctor that the nurse earlier referred to. But I was actually expecting a middle aged woman pero hindi ko inaasahan ang isang batang Doctor. Sa tingin ko ay hindi nalalayo sa amin ang edad nito.


Binati nito si Kian bago dumako sa akin ng tingin. Ngumiti ito at saka bumaba ang tingin sa tiyan ko. It was as if she's now seeing our unborn baby.

IT DOESN'T EXIST ( Underground Series Ⅲ )Where stories live. Discover now