Living in the Same Roof
"Time knows no bound."
-----------------------------
Jungkook's POV
As weeks passed by.. medyo nagiging busy na kami. Kahit One week na lang kaming walang pasok. Wala V.I.P students kasi kami. alam niyo yun? Sosyal masyado haha.
Medyo boring na din minsan. Si ShinMin kasi na isa sa mga maiingay sa amin ay nasa Coma stage parin ngayon. Nakakaiyak lang talaga. Hindi din umuuwi si Kai dito sa bahay ni Ate MiRae.. Galit parin ata si Kawali kay ate eh.
Pero hindi ko siya masisisi kasi naman. Oo, masasabi natin na nandun si Ate Mirae pero hindi kami sure kung siya nga ang gumawa nun kay ShinMin.
Tsaka, Isa pa ano naman ang mapapala ni Ate Mirae?
"Hoy! Alien! Kanina pa ako salita ng salita dito! Hindi ka naman nakikinig eh!"
"Jean tingin mo ba si Ate MiRae talaga ang may gawa nun kay ShinMin?" Tanong ko kay Jean na kasalukuyang kumakain ng cereals niya.
Paano kasi alas kwatro palang eh gising na kami. Nagugutom daw kasi siya. eh.
"Alam mo Kookie... hindi ako naniniwala dun no? Si Ate MiRae kahit na cold hearted yun hindi naman niya kayang manakit kung hindi naman siya sasaktan diba?" Paliwanag niya
tama nga siya. Hindi naman Warfreak si Ate eh.
"Tama ka diyan" Sabi ko at tinignan ulit siya "Bakit ba ang aga mong nagising? naglilihi ka na ba?"
Napatingin siya sa akin bigla. Ewan ko ba pero parang may kutob ako eh.
"Nung nakakaraang araw kasi medyo balisa ka kapag umaga tapos lagi ka pang sumusuka, then ngayon nahihilo ka at nadadagdagan ang timbang mo" Usal ko sa kanya.
"And dami mong sinasabi Kookie!" Sigaw niya sa akin "Ew--"
"PWEDE BA!? JIEUN! HINDI AKO TANGA! KUNG AYAW MO AKONG PAKASALAN E DI WAG!? HINDI KO NAMAN PINIPILIT ANG SARILI KO SAYO DIBA!?" narinig naming sigaw mula sa isang kwarto.
Kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Chen.
Nagkatinginan kami ni HyunJean at nagtanguhan. Dahan dahan kaming lumabas ng kwarto namin at tada...
Si JiEun at Chen nasa Salas at nagsisigawan. siguro hindi nila napansin ang presence namin.
Wala naman kasing makakarinig sa kanila kasi nga naman soundproof ang mga kwarto dito Sadyang nakabukas lang ng bahagya yung pinto namin.
BINABASA MO ANG
Living in the Same Roof (Exo Fanfic) - E D I T I N G -
FanficTrapped by my own nightmare, mysterious and perilous to handle that's me now, I was the old school kid who love to sing and dance but when Life has the chance to ruin me? I am shattered into pieces, I was left alone all along and I don't know when...