Swin Net

42 0 0
                                    

Living in the Same Roof


"No Man is an Island."
-----------------------------

MiRae's POV

Ngayon na ang araw na pupunta dito sa bahay si Death. Aalis na kasi ako bukas. Ewan ko ba may pasok pa bukas, Oo sa mismong pag pasok nila tsaka ako aalis. Alam kong magagalit sila pero kailangan ko tong gawin para sa kanila.

Kahit iwan ang taong mahal ko. Gagawin ko para sa lang sa UGF kailangan kong gawin yun. At saka siguro naman magiging masaya ako at sila kahit hindi na kami kumpleto dito sa bahay.

Nakakainis pagnakilala ko talaga yung Furukawa na yun masasapok ko siya abay ang timang pumayag ba naman na mag arrange marriage kami.

Teka, Kailangan kong mag isip kung paano ko sasabihin sa kanila kapag tinry nilang ikontak ako.

Ano kayang gagawin ko? Baka magalit sila sa akin.. Pero.. Sana naman maintindihan nila ako.

Kasalukuyan akong nasa Garden ngayon. Nasa loob kasi sila alam niyo na nanonood ng kung ano anong movies may pasok na kasi sila bukas.

"Psssst!!!" Napalingon ako sa sumitsit sa akin.

"Death!" Sigaw ko. paano kasi 8 na ng gabi grabe late time talaga to usapan namin 4 naging 8

Filipino Time talaga to.

"Sorry ngayon lang ako ha? Nagka emergency kasi eh? Alam mo na?" Sabi niya na para bang nag aalinlangan

"Aysus! Okay lang yun Death! Oh Nasaan na yung passport at visa ko?" Masaya kong saad sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa akin "Death? Wag ka nga diyan! Akin na! Sasamahan mo pa ako bukas sa Airport ha?"

"Aalis ka ng bansa?" Bigla akong na froze sa kinakatayuan ko. Si Chanyeol yun alam ko yun.

Nilingon ko si Death pero para din siya Estatwa. Kaya nilingon ko si Chanyeol hindi lang pala siya ang nandoon nandun silang lahat.

"Aalis ka ng bansa!?" Inis na sabi. Lumapit siya sa amin at sinamaan ng tingin si Death. Hinablot niya bigla ang visa ko at passport

"Mirae? Saan ka pupunta? Aalis ka?" Naiiyak na sabi ni LuHan

Ayoko ng part na to. Eh nakakainis naman. Ayoko pa silang harapin.

"Aalis ka MiMi" Suho

"Bakit mo kami iiwan?" Tao

"Sama ako sayo MiRae.." LuHan

"Saan ka pupunta?" Chanyeol

"Ah.. Si MiRae kasi---"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka diyan!!" Inis na pinutol ni Chanyeol yung sinasabi ni Death

"MiRae? Ano saan ka pupunta?" Chen

"Im Going to Japan... Ill will be arrange to someone" Mahinahon kong sabi. Ayoko nito eh ayoko.

"What? Ikakasal ka? Pero paano si si..." Naiiyak na sabi ni Kyungsoo.

"Kayo lang naman ang maiiwan ko dito.. Wala naman akong boyfriend or something.. Tsaka kayo na lang ang bahala dito sa bahay ko--"

"Mahal Kita" Natahimik ako sa sinabi ni Chanyeol. Ano? Gusto niya din ako "Mahal kita.. Mahal na mahal.. Narinig mo ba ako" Natulala ako literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.

Nakita ko naman sa likod lahat sila na nakangiti pero malungkot padin.

"Mahal mo ba siya? Mahal mo ba siya kaya iiwan mo kami? Hindi na tayo buo kung wala ka sa bahay na to.. Mamamatay ako kung wala ka.." pagkasabi niya nun niyakap niya ako. ng mahigpit kaya niyakap ko din siya

"Chanyeol..." Basag na sabi ko. Umiiyak na ako sa mga oras na to feeling ko namatay lahat ng butterflies sa tiyan ko.

Mahal niya pala ako pero hindi man lang nagawang aminin sa akin ng mas maaga edi sana hindi namin dinadanas to.

"Wago akong iwan.. please mahal na mahal kita gusto mo pakasalan na kita ngayon--"

"CY huli na ang Lahat.. huli ka na.." Pagkasabi ko nun hinablot ko na sa kanya yung passport at Visa ko at pumasok na ako sa bahay.

Sorry hindi ko sinasadyang iwan kayo. Mahal na mahal ko kayo pero patakaran yun sa UGF at kailangan kong pakasalan ang Mafia king na yun

Para hindi na kayo mapahamak pa....


JiEun's POV

Nasa Sala ako habang nagpapatugtog nag kung ano ano.. nakaka boring naman namimiss ko na sila pati yung bahay miss ko na din.

.

Teka bakit may mali akong nararamdaman

*dingdong*

"Ay butiking buhay!" Ano bayan bakit parang kinabahan ako?

tsk! paranoid ka lang JiEun umayos ka nga.

Lumapit ako sa pinto at biglang binuksan iyon

"Oh... Hyo-- Hmmmm.....Hmmmmmm--" nagpupumiglas na ako dahil tinakpan niya ang bibig at ilong ko

hindi maganda to... alam kong nasa panganib ako...

Chen tulungan... mo... ako..

Living in the Same Roof (Exo Fanfic) - E D I T I N G - Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon