Living in the Same Roof
"Love can leads no where"
---------------------------------------MiRae's POV
Flashback..
Nakahandusay na ako sa sahig dahil sa paghampas sa akin ni Bree at sa pagtadyak sa akin ni Yoona.. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginagawa sa akin ito.. nakakainis kapatid ko siya pero hindi ganun ang turing niya sa akin.. ang sama sama niya.
Ilang beses akong hinataw ni Bree ng baseball bat sa ibat ibang parte ng katawan ko... hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi padin namamanhid ito..
Nasaan na kaya si Chanyeol? Hindi niya ba ako ililigtas? Okaya si Yuki? Yung Mafia.. yung papakasalan ko daw? Hasst! Bakit ko ba naiisip yung mga yun eh nasa panganib na ako?
"Mukhang sinuswerte ka ngayon MiRae" Narinig kong sabi ni Bree sa akin..
Ako? Sinuswerte? Saan banda? E halos patayin na niya ako sa mga hataw ng baseball bat niya.. eto namang step sister ko hindi na naawa sa akin at sinamahan pa ang evil ex girlfriend ni Kuya..
"This is the last hit.. and ill make sure ill be proud of this" Sabi nito.
"No! Bree stop that!" Narinig ko ang boses ni Yoona.. Siguro gusto niya na siya ang pumatay sa akin.. Okay lang naman sa akin iyun eh.. atlis kapatid ko..
Nakaramdam ako ng napakabigat na bakal sa gilid ng ulo ko.. nayugyog yata ang utak ko dahil sa ginawa niya.. Pero.. bigla din namang nag blur ito.. Anong nangyayari? Mamatay na ba ako? Wait hindi pa pwede Lord please...
Kailangan ko pang sabihin kay Chanyeol na mahal ko siya... Mahal na mahal.. at ipaglalaban ko na siya.. sa umpisa pa lang naman yun na yung desisyon ko eh na pumunta ng Japan para kausapin si Yuki at magmaka awa sa kanya na hindi ko siya balak pakasalan
Unti unti akong nakakita ng mga lalaking nagtatakbuhan papalapit sa amin.. Hindi ko na mapigilang mapapikit pero...
Kahit ngayon lang sana masilayan ko ang mukha niya.. kahit ngayon lang na malapit na akong mawala.. kahit ngayon lang..
Naramdaman ko ang elektrisidad na dumaloy sa aking katawan ng may isang taong humawak sa akin at binuhat ako..
May sinasabi siya pero hindi ko na ito maintindihan dahil masakit na ang ulo ko at unti unti ng nawawala ang paningin ko..
May sinabi siya sa kin na gusto kong sagutin ngunit.. hindi ko na nagawa because..
I passed out....
End of Flashback...
Madami akong naririnig sa paligid pero hindi ma ito gaanong maliwanag sa aking pandinig... hindi ko alam kung safe na ba silang lahat o hindi....
Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa.. gusto ko siyang utusang imulat niya pero hindi niya ako sinusunod..
"Hanggang kailan ba siya matutulog?" Boses yun ni ShinMin.. gising na pala siya mula sa pagkaka Coma niya..
"Hindi ko alam.. baka nga nag we-wet dreams na yan kay Chanyeol hyung----ARAY! D.O HYUNG NAMAN EH! NAGBIBIRO LANG AKO!!" Haha... Si Kai ba yun? Ano kayang ginawa sa kanya ni Kyungsoo?
"Hoy ikaw Jong In! Ay manahimik nga! Mahiya ka naman sa asawa mo aba!" Asawa!? Hello? May Asawa na si Kai? No dont tell me si ShinMin yun?
BINABASA MO ANG
Living in the Same Roof (Exo Fanfic) - E D I T I N G -
FanfictionTrapped by my own nightmare, mysterious and perilous to handle that's me now, I was the old school kid who love to sing and dance but when Life has the chance to ruin me? I am shattered into pieces, I was left alone all along and I don't know when...