Chapter 1- Number

3.1K 66 22
                                    

Chapter 1

Halos mag-concert na ako dito sa banyo habang nagsho-shower. Masarap matulog sa gabi lalo na kapag bagong ligo.


"Boy you got my heartbeat runnin' away, beating like a drum and it's coming your way. Can't you hear the boom, boom-badoom boom, boom-badoom boom?"


Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong nakita ang phone ko na umiilaw na nasa desk katabi ng aking kama. Patay-sindi ang ilaw nito kaya ang ibig sabihin ay may tumatawag.


"Hello?!" Pasigaw kong sagot kasi baka hindi ako marinig dahil sa blower.

"Bakit ang ingay? Asan ka ba?" Nakikisigaw na si Sofhia kahit parang radyo lang naman ang nasa background niya.

"May helicopter kasi sa harap ko ngayon! Pupunta akong Eastwood. Bakit?"

"Totoo ba yaaaaaan?" May isa pang sumigaw


Mukhang naka-loudspeaker ang bruha at magkasama sila nung isa pang bruha.


Nagtanong pa kung totoo. Sino ba namang maniniwala? Eastwood lang, helicopter pa? Edi wow.


"Oo, bakit? Andito si Christian Grey sa kama, sinusundo ako." Natawa ako, "Bakit ba?"

"Pamura, Ircy. Tangina? Asan ka ba?! Aalis tayo!" Ani Eloisa na mukhang nainis

"Nasa bahay. Nagblo-blower." Natatawa ko pading sagot


Pinaulanan nila ako ng mura sa kabilang linya habang ako naman ay hindi na makahinga sa kakatawa.


How I wish na andito nga si Christian Grey sa kama ko diba? Tapos pasasakayin niya ako sa helicopter niya. Wooops! Yung mga 18 years old pababa diyan, hindi alam kung ano yun. Wahahaha!


"Saan ba pupunta? Gabi na ah!"

"Magre-restobar tayo kasi nagbreak kami ni ano....." Suminghot siya, "Ni ano..."

"Eloisa! Wag mo na nang sabihin! Iiyak ka nanaman, kadiri nanaman yang tunog ng sipon mo. Yuck!" Ani Sofhia


Napakagat ako sa ilalim kong labi para mapigilan ang pagtawa. Kung kasama lang nila ako ngayon ay paniguradong patay na ako kakatawa sa mga reaction nila.


"Oo na. Sasama na ako! Sunduin niyo ako ha? Magbibihis lang ako."


Binabaan ko na sila para makapag-ayos na ako agad kasi paniguradong on the way na sila, kaya nga sila magkasama na.


Ganyan naman lagi, tatawag kung kelan malapit na para hindi na maka-ayaw! Pano pala pag nage-LBM ako?


Okay na din na makalabas ako kasi wala naman si Kuya, walang magtatanong kung anong oras ako uuwi. At least, wala akong curfew ngayon.


Perks of having a protective brother nga naman.


"Bakit ba kayo nag-break ni ano?" Tanong ko kay Eloisa

Let Me InWhere stories live. Discover now