Chapter 23- Sana

1K 32 8
                                    


HELLO PHILIPPINES!


Pagod na pagod akong sumakay ng sasakyan kasi may jetlag pa ako! From airport, tuloy tuloy ako sa resturant kung saan kasama namin magdi-dinner yung family ni Besty.


Lam niyo naman, kailangan na kailangan ako dito kasi nasakin ang susi sa tagumpay ni Kuya. Wahaha! Nasa akin kasi yung singsing diba.


Nagring yung iPad ko kaya agad ko yun kinuha sa bag ko. Siyempre, si Sam yung tumatawag. Buti nalang talaga at may pocket wifi dito sa kotse.


"Welcome back!" Bungad niya

"Wow naman, balik bayan na balik bayan lang?" Tumawa siya

"When is your free time? Let's meet."

"M-meet? Tayo? Magkikita? Bakit?!"


Ayoko! Ayoko siyang mameet. Ayoko siyang makausap sa personal. Ayoko! Baka... Baka magustuhan ko na talaga siya at ayaw kong mangyari yun.


He's a chinese. Oo na. Wala na akong magagawa dun. I like him but he's a chinese at ayaw kong pahirapan ang sarili ko.


Madami pang lalaki diyan kaya kung kaya kong umiwas na lumala yung nararamdaman ko sa kaniya, gagawin ko.


"Why not?"

"Uhmmm, ano..... Kasi.... Busy ako! Madami akong gagawin dito eh."

"Sobrang busy mo kahit lunch time lang tayo magkita?"

"Oo, sobrang busy ko as in sobrang busy. He he he."

"Edi puntahan nalang kita sa inyo?"

"HA?! Bakit? Tsaka... Hindi mo naman alam bahay namin!"

"Who told you?" Tumawa siya, "Nakapunta na ako diyan, sinama ako ni Cloud."


Pesteng Cloud yun. Bakit ba botong boto siya dito sa intsik na to at parang nilalakad niya na kay Kuya.


"Ano! Busy padin ako! Dun ako titira kila Natalie! Oo tama doon tsaka.... Babye na pala! Andito na kami hehehe bawal ako ma-late, alam mo naman, nasakin yung singsing."


Tumango tango siya.


"Okay, I'll call back later."

"Sige. Babye!" Ngumiti ako


Hindi ako nagpapalusot, andito na talaga kami at nagpapasalamat akong andito na nga talaga kami kasi hindi ko na alam kung anong palusot pang gagawin ko pag pinush niya pang magkita kami.


Gusto ko din naman siya mameet na ayaw ko. Hay! Ang gulo!


Umiiwas lang naman ako sa mga bagay na makakasakit sakin.....


Umiiwas nga ba talaga ako?


Hay nako, Ircy!


"Kuya!" Sigaw ko tsaka tumakbo payakap sa kaniya

Let Me InWhere stories live. Discover now