Chapter 13- Goodbye

1.2K 27 3
                                    

Chapter 13

I left the country devastated. Napapikit ako ng mariin habang inilalagay ang earphones sa aking magkabilang tenga.


Some of us are wearing white, some are black. We were all holding our memories with him. We never thought that the last time is the last time. I kept on remembering the last time I saw him but it's a blurry memory because I had no idea that it would be the last.


Parang kelan lang ay mga bata pa kami, naglalaro na parang walang bukas. Parang kelan lang, kinukulit niya pa ako at sinusundan kung saan saan. Parang kelan lang nung sinabi niya saking gusto niya ako. Parang kelan lang nung hindi ko siya tinanggap. Parang kelan lang nagsisi ako sa desisyon ko. Parang kelan lang.....


Tumingala ako para tignan yung azul na langit, ngumiti ako at isinuot yung shades ko. I managed to smile even if my tears are running down my face.


Katabi ko si Kuya. Kumpleto kaming lahat dito except si Natalie na paniguradong pinaka na-aapektuhan. He's with Rain that night- nung tumakas sila sa kanya kanya nilang engagement party.


Nagalit ako kay Natalie noon because that is the first time that I saw my brother cry and that's because of Natalie pero nagsisi ako. Nagsisi akong nakaramdam ako ng galit sa bestfriend ko. Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. Sana ay hindi ko nalang inisip yun. Sana inintindi ko nalang siya.


"Tangina mo, Ulan. Di ka man lang nagpaalam ng maayos." Ani Stone, "Sino nang magkwe-kwento ng mga kalokohan ko pag lasing? Ikaw lang mga nakakaalam nun, ikaw kasama kong manginginom dito!"

"Bro, minumura ka ni Stone. Magparamdam ka nga sa kanya. Mamaya ka na magparamdam pag siya na lang magisa, wag ngayon, takot ako sa kagaya mo." Ani Cloud, "Pero ano.... Sana naman sinabi mo edi sana nalibre pa muna kita. Diba ang tagal mo na nagpapalibre sakin kasi ikaw yung laging taya?"

"Rain, wag mo ako mumultuhin dahil binasted kita ha?" Sinubukan kong ayusin yung boses ko kahit parang may naka-bara sa lalamunan ko, "Alam mo namang takot ako sa mga di buhay! Tsaka wag mong i-feel na mami-miss ka namin, asa ka! Hindi ako nakaka-miss nang nangiiwan agad. Naiirita talaga ako sayo, nangiiwan ka."


Naramdaman ko ang yakap ni Kuya sakin, inaasahan kong magsasalita din siya pero hindi. Nanatili lang siyang nakatingin sa nakahimlay na si Rain.


Ni hindi ko maimagine na makikita kong ganito si Rain. Na wala siyang buhay. Na hindi siya humihinga. Na hindi siya ngumingiti. Na hindi siya nagbibiro. Hindi ko maimagine.


Nami-miss ko siya. Ngayon palang. Nami-miss ko na siya.


Unti-unti nang binababa si Rain sa may lupa, napahigpit yung hawak ko doon sa tali ng lobo na ibinigay samin. Tumalikod ako upang pumunta sa may bandang likod, lalo lang sisikip yung dibdib ko kung titignan ko pa.


Bantayan mo kami, Rain ha? Wag mo kami papabayaan especially Natalie. Hindi ko alam kung paano siya makakausad ngayong alam naming lahat na malaking part sa kanya ang kulang na at ikaw yun.


We will always look up to you, Rain. Ikaw kaya pinaka-gwapo sa Seenzone, diba? Hay, ayan ha, sinabi ko nang gwapo ka! Mag-smile ka na diyan sa taas. Tsaka pinatunayan mo samin yung gaano mo kamahal si Natalie. You'll risk and give everything just to be with her. Sana makahanap ako someday ng isang katulad mo. A guy that will fight for me until the end.

Let Me InWhere stories live. Discover now