Chapter 19
Aba ang tsinong hilaw na yun, hindi nga tumawag! Tatlong araw na siyang hindi tumatawag sakin samantalang dati, tatawag siya ng umaga tapos tatawag ulit siya ng gabi kahit hindi ko naman sinasagot tapos nung nagsimulang sagutin ko na yung tawag niya, lalong dumalas ang pagtawag tapos ngayon? Wala?
Teka, teka, bakit ko ba hinahanap yung pagtawag niya?
Pake ko ba kung hindi siya tumawag? Wala naman akong paki!
"Huy girl! Anong iniisip mo diyan? Bakit tulaley ka?" Makatulak naman 'tong si Arlyn
"Wala... Ano, iniisip ko kasi 'tong binabasa ko. Sobrang aral ko kaya natutulala na ako. Ganun yun, itry niyo."
"Ah ganun ba? Kaya ba nakabaliktad yang libro mo?" Tinignan ko agad yung libro. Nakabaliktad nga! Pati yung cover nakabaliktad! Bakit hindi ko agad napansin?! Tinignan ko silang dalawa ni Jeffy na nagpipigil ng tawa.
"Ah.. Ano kasi, may picture kasi kanina! Tinitignan ko yung ibang anggulo ng picture. Alam mo naman yung course natin diba?" May hand gestures pa akong nalalaman para maniwala sila sa alibi ko
"Ah ganun ba? Sige, ipush mo yan!" Sabi naman ni Jeffy
Pero bahala siya sa buhay niya! Hinding hindi ko siya tatawagan. Ano siya? Chicks para tawagan ko? Ang dami dami kong tinatawagan, bakit ko pa siya tatawagan? Naguuratan lang naman kami pag magkausap.
Foundation Class yung susunod na subject namin, paniguradong ang dami nanamang ipapagawa dun, lagi naman eh! Yun na yata yung pinaka nakakastress na subject ngayong sem.
"Parang magkakasakit ako tuwing Foundation Class natin." Sabi ni Arlyn habang hinihipo hipo yung noo niya
"Wag kang maginarte, girl, hindi ka maganda kaya hindi bagay. Tignan mo kapag ako ang nagsabi niyan, pak! Pang best actress." Binatukan naman ni Arlyn si Jeffy
"Nako, susurain ako niyang prof natin diyan eh. Ano bang feeling niya? Robot tayo at kung magpagawa ng sandamukal na plates, wagas!" dagdag pa ni Jeffy
"Sinabi mo pa! Tapos ang dami pang take home plates." Angal ko
Pagod na pagod akong umuwi ng bahay. As usual, ang dami kasing plates na pinagawa samin tapos may pinauwi pang mga plates na ipapasa bukas, lagi naman! Kailan pa ba ako masasanay? Tapos ang layo pa ng school ko kaya dagdag pagod pa yung pagdi-drive.
"Ircy, may nagpadala pala sayo. Hindi ko na tinignan kung ano, inakyat ko nalang sa kwarto mo agad pero mukhang roses siya." Sabi nung caretaker namin. Hindi daw tinignan pero alam kung ano laman?
"Akala ko po ba hindi niyo tinignan?"
"Hindi nga.... He he he.... Sinilip lang, iha. Osige na." Tumakbo na siya papunta dun sa kwarto niya
Napakamot nalang ako ng ulo. Medyo magulo ha? Hindi niya daw tinignan pero sinilip niya. Medyo naalog yung ulo ko dun.
Sino naman kayang nagpadala ng roses dito sakin? Wala naman akong naalala na pwedeng magbigay sakin.
Impossible namang si Kuya. Asa namang gagastos siya para lang bumili ng roses, baka pagkain, pwede pa. Sila Stone or Cloud? Mas asa naman! Ipang babar nalang nila yung pambibili nila. Si Sam? Hindi din, hindi naman nun alam yung address ko dito tsaka bakit naman niya ako padadalhan? Who you ba siya eh tatlong araw niya na nga akong hindi tinatawagan at wag siyang umasa na tatawagan ko siya! Pero....

YOU ARE READING
Let Me In
RomantikaLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...