Chapter 3- Voice Message

2K 55 24
                                    

Chapter 3

Hindi ko na alam kung ano ang AM at PM sakin sa nagdaang araw. Mukha na akong zombie! Ni hindi ko nga namamalayan minsan na gabi na pala, kahit parang kagigising ko lang.


Hindi na nga ako makalabas ng kwarto dahil sa tunog ng tunog ang cellphone ko! Kung hindi may tumatawag ay may nagte-text.


Si chinese guy, puro tawag ang ginagawa. Laging videcall ang gusto. Nananatiling chinise guy ang tawag ko sa kanya kasi ayaw niyang sabihin yung pangalan niya. In short, CG ang itatawag ko. Pa-chix masyado, aanhin ko ba pangalan niya kung malalaman ko.


Si Drox naman ay puro text. Simple lang kung bakit, ayaw ko siyang patawagin kasi naairita ako kapag naririnig ko yung boses niya pati yung mga sinasabi niya. Mas mabuti nang sa text nalang para hindi masyadong mukhang nambobola.


Tumunog ang aking cellphone kaya agad ko itong dinampot sa tabi ko.


From: Drox

Laro tayo. Tanungan. Game?


Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari dahil puro katangahan lang ang pinaguusapan naming dalawa... Siya pala ang puro katangahan, sumasagot lang ako. Umiikot lang kung saan niya ako dadalhin kung sakaling lumabas kami. Hindi date ang tawag dun, kundi lalabas lang.


From: Drox

What's your favorite food?


Nireplyan ko


'Pasta. Basta pasta. Ikaw?


Agad siyang nagreply sakin


From: Drox

Ako ang favorite food mo? Di mo pa nga ako natitikman eh. :) haha joke! Caldereta, that's my fave tapos yung maanghang.


'Leche! Kakairita nanaman 'to. Hmm, ano naman yung pinaka-ayaw mo?


From: Drox

Ayoko ng gulay. Masyadong madamo. Ikaw?


'Hindi naman sa ayaw ko ng gulay pero ayaw ko din siya! Feeling ko ay giraffe ako!


From: Drox

Hahahaha! Eh, ano naman paborito mong movie?


'Love, Rosie. Napanood mo na yun?


From: Drox

Hindi pa. Papanoorin ko pag may time para sayo. ;) Avengers sakin. Kahit anong Avengers basta Avengers.


Nagpatuloy kami sa ganung game kuno na yun. Ang dami niyang tinatanong pero di parin nawawala yung kalandian sa mga tanong at sagot niya. Kainis talaga! Pero okay na rin, at least, medyo nagkakakilala kami ng mas mabuti.

Let Me InWhere stories live. Discover now