Chapter 25- Too Much To Handle

960 29 4
                                    

Niyaya ko sila Eloisa and Fifi dun sa favorite restobar namin kahit alam kong andun si Drox. Actually, si Drox talaga ang pupuntahan ko dun kasi kailangan ko ng closure.


Hindi ko siya hahabulin, excuse me! Gusto ko lang ng explaination baka kasi mamaya may mali rin pala akong nagawa.


Tsaka, I need a break from all the realizations last night! Hindi ko nga sinasagot tawag ni Sam dahil nagiisip pa ako!


"Kelan ka pa umuwi? Asan yung pasalubong?" Bungad sakin ni Fifi

"Wow ha! Thank you! Hindi niyo man lang sinabi sakin na namiss niyo muna ako bago kayo nanghingi ng pasalubong diba?"

"Namiss ka namin, siyempre! Kaya nga sinipot ka namin dito kahit busy kami sa life namin." Sagot ni Eloisa

"Sus, eto na!" Nilabas ko yung dalawang box ng sapatos na hiniling nila


Grabe tong mga 'to, maka-send sakin ng pictures parang online shop ako! At parang may trabaho ako kung makapag-pabili ng sapatos! Dalawang Stan Smith yun! Namulubi ako! Idagdag pa yung pasalubong para kay Nat and Krizzia pati kila Mommy and Daddy!


"Thank you, girl! Gumanda ka yata tsaka sumexy tsaka parang ang blooming mo!"

"Wag niyo na'ko bolahin! Ilibre niyo nalang ako. Isang mojito lang ako."

"Isa lang? Bakit isa lang?"

"Hindi naman ako broken hearted para lumaklak ng alak! Kung meron nga silang hot chocolate dito, mas gusto ko pa." Tumawa ako

"Wag ka na kasi magrekalmo, Fifi. Mas konti, mas mura!" Saway ni Eloisa


Nakita ko agad si Drox sa gilid ng stage, nakaupo at may katabing babae. Napangiti ako. Is he back with his old games? Or true na to? Hindi, himalang maging totoo pagdating kay Drox.


Boys will always be boys. Tumino man yan, hindi nila maiiwasan na bumalik sa dati nilang gawain lalo na kapag nakasanayan na.


"Uhm, wag nalang kaya tayo dito? Lipat nalang kaya tayo, Ircy?"

"Hindi na, dito na tayo! Dito naman tayo lagi ah, bakit lilipat pa?"

"Kasi......" Naglipat lipat yung tingin ni Fifi sakin tsaka kay Drox

"Ano ba, okay lang. Naka-move on na ako tsaka hayaan mo na siya."

"Sure ka?"

"Oo nga!" Tumawa ako


Dirediretso akong nalakad papunta dun sa dati naming table. Buti nalang wala pang nakaupo dito. Maaga-aga pa naman kasi kaya medyo konti pa yung tao.


"Oh, nakabalik ka na pala, Ircy?" Bati sakin ni Ejie, yung isa sa kabanda ni Drox

"Vacation lang pero babalik din ako agad."

"Kamusta ka naman?"

"Okay lang naman, bakit?"

"Gusto ko lang sana mag-sorry para dun sa ginawa nung ugok na yun. Alam mo naman yun pero sana ayos ka na ngayon. Mukha ka namang ayos eh, mas gumanda ka nga ngayon." Tumawa ako

Let Me InWhere stories live. Discover now