Nakaramdam ako ng magalaw. Bwisit! Kailan pa gumalaw yung kama ko? Waaaah! Baka may mumu sa ilalim ng kama ko!
Wag kang didilat, Ircy!
Nakarinig naman ako ng tumatawa. Waaah! Bakit tumatawa yung multo? Trip kaya ako nung multo? Kaya mo yan, Ircy! Minulat ko yung isa kong mata tapos yung isa pa... Tapos kumurap kurap pa ako ng onti.
"WAAAAAAH! Bakit andito ka sa bahay namin? Bakit nakahiga ako sayo? Bakit ka tumatawa? Bakit minamanyak mo ako? Waaaaaaah! Mommy! Daddy! Kuya!"
"Aray!" Sagot lang niya
Tumayo agad ako tapos hinila ko sa kaniya yung kumot para ibalot sa katawan ko. Waaaah! Anong nangyayari!
"Ircy, bakit ang ingay ingay mo?" Tumakbo ako palapit kay Kuya tsaka ko niyakap yung braso niya
"Kuya, bakit... Bakit andito si Sam?"
"Siya ba ang uminom kagabi o ikaw?" Tanong lang niya
"Uminom siya?" Tanong ko pabalik
"Natulog ka lang sa ibabaw niya, nagka-amnesia ka na? Patay malisya lang, Ircy?"
"KUYA!"
"Don't shout! Ang ingay ingay mo! Magayos na kayo, diba may pupunta kayong... Saan nga yun, bro?" Tanong ni Kuya kay Sam na nakahiga parin at nakikinig lang samin
"Caramoan."
"Pumunta ka na sa kwarto mo. Pupunta punta ka dito tapos kala mo nirape kinabukasan. Tss." Umiling lang si Kuya tapos lumabas na ng kwarto
Tumingin ako kay Sam tapos sinamaan siya ng tingin pero nginitian niya lang ako habang pumupungay pugay pa yung mata.
"Good morning, Ircy." Bati niya
"Walang good sa morning!"
Lumabas na ako ng guest room at tumakbo papunta sa kwarto ko. Shetlaks! Ano bang nangyari kagabi? Nakakahiya! Baka nalawayan ko yung tshirt niya tapos aamuyin niya. Waaaah! Ano ka ba, Ircy! Yan pa yung inisip mo!
Todo alala ako sa mga pinag gagawa ko kagabi. Oo, niyaya siya ni Daddy na makipag-inuman sa kaniya tapos... tapos anong nangyari?....
You are my effortlessly perfect, Ircy
You are my effortlessly perfect, Ircy
You are my effortlessly perfect, Ircy
Ramdam ko yung pagkapula ng mukha ko... Pero bakit ako natulog sa ibabaw niya? Take note, sa ibabaw pa talaga niya! Hindi sa tabi niya, sa ibabaw niya!
Naligo na ako at nag-ayos, inimpake ko narin yung mga dadalhin ko sa Caramoan. Ay teka, sino bang nagsabi na sasama ako dun? Diba sabi ko pagiisipan ko muna?
Hep hep! Wag kayong eepal sa dialogue ko mga konsensya ko. Dahil ako daw ang effortlessly perfect niya, I already made up my mind. Sasama na ako! Oh ayan ha, baka sabihin niyo pang choosy ako at baka may dumagdag pa sa inyong isa.

YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...