Chapter 2
Hindi ko maatim na buksan ang mata ko para sagutin kung sino man yung tawag ng tawag at text ng text sakin.
"Masasakal ko 'tong tumatawag na 'to eh, ugh!" Umikot ako at tinakpan ang aking mukha ng unan.
Hindi yata makaintindi na kapag hindi sinagot sa unang tawag, ibig sabihin ay nagpapahinga pa! Nakita nang tulog eh.
Kapag si Eloisa ang tumatawag na'to para ibalita lang na nagkabalikan na sila, sapilitan ko silang pabre-break-in.... sa isip, puso at diwa ko. As if naman na magawa ko yun!
Halos 3AM na din nung makauwi kami galing sa restobar dahil sa bwisit na Drox na yun. Ayaw kaming paalisin. Hinarang pa kami sa may pintuan at gumawa pa ng eksena na 'HINDI NA AKO MANLALANDI NG IBA, MISS BEAUTIFUL NA LAGING MAY DALAW, IKAW NALANG ANG LANDI PARTNER KO.'
Napadilat ako sa pagisip nun. Bakit ko ba iniisip? At bakit parang umiinit yung pisnge ko? Argh! Bwisit kay Drox ka! Gagawin kitang Zon-Drox! Hehehehe bye na.
"Hello, sino ba 'to? Ang aga aga, tumatawag! Alam mo bang natutulog pa ako! Hindi mo ba alam na kapag hindi ka sinagot sa unang tawag mo, ibig sabihin ay natutulog pa! Masyadong istorbo 'to. Sino ka nga ulit? Sino ka?"
"Daming sinabi. I'm just checking if this is really you." Di pamilyar ang boses sakin.
"Sino ka nga?"
"Are you interested?" Ang gwapo ng boses, infairness.
Napansin ko pa sa lagay na yun yung kagwapuhan ng boses niya kahit may muta muta pa ako sa mata.
Anong connect ng muta sa mata? Maisingit ko lang.
Gwapo ang boses ni Drox pero hindi si Drox 'to dahil umeenglish. Richkid yun pero hindi ako eenglishin para magpapogi dahil mataas ang self confidence nun na pogi talaga siya.
"SINO KA NGA?"
"This is Apple Inc. Just wanna ask your apple ID for more updates."
Nakngteteng. Apple lang pala....
"ircybrienneganda@gmail.com."
Binaba na ni Apple. Apple... HINDI NAMAN TUMATAWAG SI APPLE AH? NAGE-EMAIL LANG PERO HINDI TUMATAWAG!
Tsaka nagtagalog pa nung una at chinicheck ako! Tinanong pa ako kung interesado ako sa kanya. Hindi naman ako interesado sa mansanas!
Agad akong napabangon para makita kung sino talaga ang tumawag at makita-kita ko, unknown number at may +63 pa sa unahan. Langya!
"Hoy! Sino ka?" Tinawagan ko ulit
"You're awake now?" Tumawa ito sa kabilang linya
Pati pagtawa ay ang gwapo. Ang sexy pakinggan! Mamaos-maos pa na medyo slang!
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...
