Chapter 40- Respect

1K 28 0
                                    

!!Warning!!

Bangag nanaman akong ginising nung alarm ko. Shet, katutulog ko lang eh! Bakit gigising na ako? Huhu, nasan na si brain?


Tinignan ko si Besty na ang sarap ng tulog na nasa tabi ko. Alam ko na kung bakit nacorner ako sa gilid. Hahaha! Ang cute ni besty. Umaga na kami natulog kasi ang dami naming catch up na ginawa! Naiinis nga si Kuya kasi dapat daw sila ang unang magcatch up pero wala naman siyang magawa dahil hindi pa naman sila pwede magsama sa isang kwarto.


Naghanda na ako para pumuntang office. Ayoko man pumasok pero kailangan na kasi ang dami ko nang absences. Nagpahatid nalang ako sa driver namin kasi wanted utak! Pakihanap, please!


Hay, ako nalang yung sawi sa pagibig sa bahay. Lahat sila parang may happily ever after na eh ako? Nga nga! Pero masaya naman ako sa kanila na masaya na sila lalo na si Kuya and Natalie. Matagal-tagal ding paghihintay yun na walang kasiguraduhan ha. 


"Huy Ircy, nakikinig ka ba?" Tanong ni Candy. Ay andito pala si Candy?

"Ah oo, ano ulit yun? Hehe, sorry!"

"Ayun nga, ang sabi ni Engineer Arenaz, kung pwede daw ba gawan mo ng interiors yung bahay na ginagawa niya. Ikaw daw kasi yung nirequest nung client! Pumayag naman daw si Engineer Lim pero kailangan mo parin daw iconsult yung interiors sa kaniya kaya pumunta ka sa office niya ng mga 5PM kasi nasa meeting siya."

"Ah osige, thank you Candy! Tsaka ano pala... Sorry nung nakaraang araw ha? Hindi na ako nakapag-paalam."

"Okay lang yun!" Parang kinikilig pa siya, "Sabi nga nila sinundo ka daw ng dalawang gwapo. Pakilala mo naman ako! May single ba sa kanila? Kasi single and ready to mingle ang lola mo!" Pak ganern! Nakakatawa naman 'tong si Candy.

"Wag kang magalala, ipapakilala kita dun sa single." At si Cloud yun. Wahaha! Magready siya sa kakulitan nito ni Candy

"Talaga? Em zo excited! Osige na girl, chupi muna ako. Ang daming pinapagawa ni sungit eh." Binulong niya yung dulong part.

"Sino si sungit?"

"Sino pa ba? Edi si Engineer Lim. Ang sungit sungit niya nung nakaraang araw pa! Stressed ang buong office dahil sa kaniya! Girl, goodluck mamaya!"


Kinabahan tuloy ako bigla! Anong nakain nun at parang bumubuga yata siya ng apoy ngayon! Bakit kasi kailangan ko pa iconsult sa kaniya eh alam ko naman yung ginagawa ko. Tss!


Tinignan ko yung profile nung nagpapagawa ng bahay at halos lumuwa yung mata ko kung sino yun.


ICE BRAYDEN G. HERNANDEZ


Yan lang naman ang nakalagay na pangalan! Wala man lang sinabi sakin yung kakambal ko na nagpapagawa na pala siya ng bahay niya!


Hmm, maganda yung lugar na napili niya ah. Dun sa private beach namin pero medyo malayo sa resthouse namin. Ano kayang naisip niya at nagpapagawa na siya ng bahay? Bubukod na kaya siya?


Papakasalanan na kaya niya si Natalie?!


Note: I want Ircy Brienne Hernandez to be the interior designer of this project and Engineer Lim as the engineer.


Let Me InWhere stories live. Discover now