Siyempre, hindi ko muna sinagot yung call at pinatagal muna yung ring. Ano siya? Siniwerte? Pagkatapos niyang maging snobbers ipaparamdam ko sa kaniyang hinihintay ko yung tawag niya? Neknek niya!
Pero dahil baka i-end call niya na, sinagot ko na.
Nakasimangot akong bumungad sa kaniya pero hindi siya ang bumungad sakin kundi isang babae?
Ayos na ayos yung babae. Ang ganda nga niya eh! Tapos singkit tsaka pak na pak ang makeup na para bang may pupuntahan siyang date...
Teka nga lang....
"Are you Ircy?" Tanong niya, nakataas yung kilay
"Yes, why?"
"Oh, just asking. You're a chinese?" Umiling ako
"I hope you don't mind but why did you call me? And who are you?" Tanong ko pero tunog mabait. Baka mamaya sabihin nito, kabit na nga ako ng boyfriend niya tapos nagpapaka-bitch pa ako.
"Because you're in Sam's recent calls. Oh by the way, I'm---- XIA, WHY ARE YOU USING MY LAPTOP? LUMABAS KA NGA NG KWARTO KO. I SAID, YOU KNOCK FIRST BEFORE ENTERING" Makasigaw naman yun si Sam, wagas!
So... She's Xia?
Naintimidate tuloy ako bigla. Nakapambahay lang ako at walang ayos samantalang siya, diyosa ang dating.
Don't get me wrong, diyosa din ako kahit wala akong ayos pero siguro mas lamang siya ng 1 and a half na paligo sakin ngayon sa pagiging diyosa.
They're very close. Nakakapasok siya sa kwarto ni Sam nang walang paalam. Siguro, nakatira siya kila Sam ngayon or baka magda-date sila ni Sam ngayon kaya nasa bahay nila siya.
"Sungit talaga." Ngumisi siya, "Oo na, lalabas na ako! Don't call me by my name, shoti!"
Nagwave muna siya ng hand sakin bago tumayo at umalis, hindi man lang ako nakapag-paalam din. I'm very very rude. Ang bait niya, mas lalong nakaka-intimidate!
"And don't call me shoti, hindi gwapo pakinggan!" Sigaw ni Sam pabalik
"Ircy, I'm sorry that Xia called you." Sabi ni Sam
"Okay lang."
Biglang nagbago yung mood ko. Kung kanina ay naiintimidate ako, ngayon halo halo na! Naiinis na naiirita na ang sarap niyang sabunutan na parang gusto ko mag-rant sa kaniya na namimiss siya.
Pero wala akong magawa kundi magpoker face lang. I'll just give him cold treatments. Serves him right!
"So.... Kamusta?" Tanong niya
"Okay nga lang."
"Kamusta si Macy?"
"Edi tanungin mo siya. Ako ba si Macy? Mukha na ba akong aso ngayon?" Nakaka-highblood!
"Bakit ang sungit mo?"
"Bakit? Hindi ba pwede?"
"Don't answer my question with another question, miss."
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...
