Chapter 38- Bff

993 28 13
                                    

"Ay peste! Hindi na ako nakatulog!" Bumangon na ako nung magring yung alarm ko


Nagready na ako para pumasok, nagpadrive nalang ako kasi parang lumilipad yung utak ko sa kung saan.


Para akong zombie na naglalakad dahil wala akong tulog tsaka iniisip ko parin yung nakita ko.


Wala akong dahilan na maisip para kay Cloud siya magpakita. Bakit hindi samin? Kasi kung siya talaga yun, saakin yun unang lalapit! Pero baka hindi naman talaga siya yun? Baka kamukha lang niya? Ang gulo! Ang sakit na ng ulo ko!


Hindi ako makapag trabaho ng maigi kaya umuwi din ako agad ng lunch break. Minabuti kong hindi muna magpakita kay Sam kahit pinapatawag niya ako. Nek nek niya! Bahala siya diyan!


Hindi talaga matanggal sa isip ko yung nakita ko! Ayoko naman magassume baka mamaya hindi naman pala totoo! Pagkadating ko sa bahay, andun sila Tito Chase.


Gusto ko rin umuwi kasi feeling ko lahat dito nakatingin at pinaguusapan ako. Mabuti sigurong hindi muna ako pumasok ng ilang araw para lumubog na yung mga chismis.


"Oh Ircy, napaaga ka?" Tanong ni Tita Isabella may hawak hawak siyang mga balloons

"Ah, hindi po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya umuwi nalang ako ng maaga. Masakit po kasi yung ulo ko."

"Ah osige, magpahinga ka muna. Pasensya na kung maingay kami ha?" Natawa siya, pumutok tuloy yung lobo na hinihipan niya kaya natawa nadin ako

"Sige po, Tita. Akyat na po ako."


Ano kayang ginagawa nila dito? Bakit ang daming kalat? Tsaka bakit lahat sila andito? Kumpleto yung barkada ni Mommy tsaka ni Daddy. May reunion kaya? Malapit narin kasi yung anniversary nila Mommy eh.


Oo nga pala! 25th anniversary na nila! Nakakahiya, wala man lang akong regalo. Ano kayang balak nilang gawin?


Humiga nalang ako sa kama ko at sinubukang matulog. Kumikirot na talaga yung ulo ko sa sakit, parang bibiyakin. Wala kasi akong tulog tapos puro iyak pa yung ginawa ko magdamag kaya eto ako parang bangag na bangag. Talo ko pa yung taong uminom ng 3 days straight.


Gusto kong tawagan si Cloud at tanungin kaso baka tawanan lang ako nun at sabihing nababaliw na ako. Di kaya nababaliw na talaga ako? Kasalanan 'to nung intsik na yun eh!


Hayy! Ang sakit ng buong ako- physically, mentally and emotionally. Pakiramdam ko magkakasakit ako.


May biglang kumatok kaya napabangon ako bigla, si Daddy lang pala. Nakakahiya kasi yung itsura ko kung sila Tito Xavier yun.


"Anak, nabili mo naba yung pinapabili sayo ni Daddy?"

"Opo, daddy. Para saan po yan?" Inabot ko sakanya yung dress na pinabibili niya sakin para kay Mommy

"May surprise lang ako sa Mommy mo, nak. Nag-away kasi kami eh." Umupo siya sa kama ko. Parang worried na worried talaga siya sa pagaaway nila ni Mommy.

Let Me InWhere stories live. Discover now