Chapter 36- Tatlo para...

1K 25 4
                                    

Gutom ang inabot ko sa pagsama dito sa trip na'to at nakakainis lang, hindi parin kami kakain. Papatayin yata nitong boss na'to yung mga empleyado niya eh. 


"Teka! Bilisan mo kaya maglakad diyan? Maiiwan na tayo eh!" Pagalit ko kay Sam. Pano, yung mga kasama namin nakasakay na dun sa private plane samantalang siya parang naglalakad pa sa park.

"Hayaan mo sila."

"Anong hayaan mo sila? Wag mo sabihin magbu-bus nanaman tayo tapos ayaw mo nanaman ako pasukahin?" Hinila niya ako palapit sa kaniya tapos hinawakan yung kamay ko

"Hindi, iba yung sasakyan natin sa kanila."


Tinignan ko sandali yung kamay namin na magkahawak at hinigpitan pa lalo yun kaya napatingin siya sakin, binelatan ko lang siya tapos hinila ko siya papunta dun sa plane kasi ang tagal niya nga maglakad.


"Hindi nga tayo diyan sasakay." Sabi niya

"Ha?" Tumingin ako kila Engineer Alvarez na nakadungaw dun sa bintana ng plane at kumakaway kaway sakin, "Bakit? Eh saan tayo?"

"Doon oh." Tinuro niya yung chopper na pa-landing pala kaya nanlaki yung mata ko, diyan kami sasakay? Kami lang?

"Tayo lang?"

"Papayag ba akong may makasama tayong iba?" Tumawa siya tapos naramdaman ko yung braso niya sa may bewang ko kaya muntik na ako mapatalon sa gulat pero yung puso ko pagod na pagod na kakatalon!


Excited na excited akong pumasok dun sa chopper tapos pinasuot kami ng parang headset. Ako, si Sam tsaka yung driver lang ng chopper yung andito. Nakaka-excite naman! First time kong sumakay sa ganito eh!


Nung palipad na medyo masakit sa tenga yung tunog, kaya pala may parang headset tapos tinakpan pa ulit ni Sam yung tenga ko gamit yung kamay niya siguro kasi nahalata niyang napapapikit ako sa ingay.


"Open your eyes now." Bulong niya sakin nang mawala na yung masakit na tunog


Namangha ako sa ganda ng view mula dito sa taas! Ang ganda ng dagat, blue na blue tapos parang kumikintab pa, pati yung waves kita rin mula dito. Kitang kita din yung mga white sand islands.


"Wow, ang ganda."

"Hmm, maganda nga." Pagkatingin ko kay Sam, sakin siya nakatingin tapos ngumiti lang ako at umiwas na ulit ng tingin.


Ano ba yung sinasabi niyang maganda? Yung view ba o ako?


Nagland yung chopper dun sa pad ng hotel na pagtutuluyan namin, inalalayan naman ako ni Sam makababa. Ang gentleman naman nito, kamusta naman yung mga kaibigan ko.


"Hatid na kita sa room niyo." Sabi niya

"Ah osige. Sino mga karoom mates ko?"

"Sama sama lahat ng babae sa isang room tapos ganun din yung mga lalaki? Bakit? Gusto mo ba humiwalay? Pwede naman akong kumuha ng kwarto para sayo."

"Ay hindi na! Tinatanong ko lang naman." Nakakahiya, masyado naman siyang thoughtful sakin.

"O baka naman gusto mo share tayo sa isang room?" Taas baba nanaman yung kilay niya sakin habang nakangiti ng nakakaloko kaya pinalo ko nga siya nung bag na hawak ko

Let Me InWhere stories live. Discover now