Chapter 34 (Part 2)- Effortlessly Perfect

989 33 20
                                    

Nadaanan namin yung school ko nung highschool at parang may activity yata kasi ang daming pumapasok na outsiders.


International school turns into a carnival real quick!


"School mo yan dati diba?" Biglang tanong ni Sam kaya napatingin ako sa kaniya na kanina ko pa iniiwasang gawin

"Oo, pano mo nalaman?"

"Secret." Kinagat niya yung ilalim na labi niya para mapigilan yung pagngiti


Nakakainis talaga 'to! Ang gwapo! Kaya kanina ko pa iniiwasan siyang tignan eh, parang may zoo sa tiyan ko! Ang aliwa-aliwalas kasi ng mukha niya ngayon tapos laging nakangiti! Yung manly features niya tuloy naging cute na manly padin!



Ay ewan!


"Bakit papunta tayo sa school?" Tanong ko

"Diyan tayo magda-date."

"Date?!"

"Oo, foundation day nila ngayon. Kaninong school ba talaga yan? Bakit parang mas alam ko pa sayo kung kailan yung foundation day?"

"Talaga?!" Bigla akong naexcite kasi kung foundation day sa school, maraming booths dun panigurado!


Tumahol nang tumahol si Macy at pumunta sa backseat para habulin yung buntot niya. Pati siya siguro naexcite kasi nafeel niyang excited yung nanay niya.


Nanay?! Feel na feel ko talaga eh no?


I missed my school. Its been 4 years? 5 years? Mula last na pumunta ako dito. Nothing changed, ganun parin at tama nga 'tong intsik na'to, foundation day nga dito ngayon.


Kumislap yung mata ko nang makita ko yung blue na teddy bear sa loob ng machine! Gusto ko nun! Gusto ko nun!


"Waaaaah! Sam! Gusto ko nun! Gusto ko ng bear!"

"Saan ako kukuha ng bear?"

"Ayun oh!" Tinuro ko yung machine na may stuff toys sa loob tapos kukunin siya nung parang kamay na metal.

"Di ako marunong nun." Kumamot siya sa ulo kaya sinamaan ko siya ng tingin

"UWAAAAAAAAH! GUSTO KO NUN!"

"Ircy!"

"UWAAAAAAAAH!"

"Shh, wag kang maingay."

"UWAAAAAAAAAH!"

"Pinagtitinginan na tayo."


Aba, ayaw mo parin ha? At ang kapal pa, lumayo pa sakin.


"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" Lalo ko pang nilakasan

"Okay, we'll get it."

"UWAAAAAAAAAAAAH!"

"Fine. I'll get it."

"Really? Let's go." Patalon talon kami ni Macy na lumapit dun sa booth kung saan andun yung machine na yun.


Di ko maiwasang matawa sa mukha ni Sam ngayon. Tinalo pa ang pagka-straight face ni Kuya! Parang niruler!

Let Me InWhere stories live. Discover now