Chapter 43- Fish & Chicken

932 32 8
                                    

Vibrate...


Vibrate nang vibrate...


Wala nang katapusan na pagvi-vibrate...


"Hello! Ang aga aga, tumatawag. Sino ka ba? At bakit mo ako tinatawagan? Hindi mo ba alam na kapag hindi sinasagot, ibig sabihin busy. Do you have manners? Alam mo ba yon?" Hindi ko na tinignan kung sino yung caller

"Daming sinabi ah." Tumawa naman siya, "Date tayo."

"At sino ka para yayain akong mag-date? Bakit boyfriend ba kita? Ikaw ba si Sam? Ha? Hindi naman ah! Istorbo ka ah!" Argh! Inaantok pa talaga ako, kainis!

"Are you still asleep? Papunta na ako diyan sa inyo."


Binabaan ko na. Wala akong pake kung sino man yun Peste, inaantok pa talaga ako. Sabado naman ngayon kaya wala akong pasok, pwedeng pwede akong matulog hanggat gusto ko.


"Gising." Umaalog alog nalang ako bigla

"Ircy, gising!"

"Ircy?"

"Ayaw mo talaga gumising?" Ayaw. Sino ba 'to? At bakit may tao sa loob ng kwarto ko?

"AY SHET!" Napabangon ako dahil sa malamig na tubig sa katawan ko

"HAHAHAHAHA! Ayan, ayaw mo pa gumising ha? I told you we're having a date." SInamaan ko ng tingin si Sam

"Yah! Kailan mo sinabi?! Wala ka namang sinabi ha! At kailan pa kita binigyan ng permission na pumasok sa kwarto ko?! At kailan ka pa nagkaroon ng lakas ng loob na sabuyan ako ng malamig na tubig?!" Grabe, naguusok yung tenga ko sa galit.


Pano ba naman kasi! Bastos talaga to! Ang lamig lamig nung tubig na binuhos sakin! Hay! Grabe, makakapatay ako!


"Maliligo ka na ba o hahayaan mo lang ako na makita yan ng mas matagal pa?" Nakangisi siyang tinuturo yung katawan ko.

"PERVERT!"


Pagkatingin ko, yung bra ko bakat na bakat sa sando kong puti dahil nga nabasa ako! Nyemas tong lalaking to! Tumakbo ako sa banyo habang naririnig ko parin siyang tumatawa.


Hindi parin ako makamove on sa ginawa niya sakin. Lintek lang ang walang ganti! Ano kayang pwedeng gawin ko? Lagyan ko kaya ng millipede yung likod niya? O kaya lagyan ko ng ipis yung drawer niya sa office o kaya naman... Ano kaya?


Pagbaba ko, akala ko maabutan ko siya sa sala pero wala siya dun kaya pumunta akong kitchen para icheck kung andun siya pero wala rin


"My, nasan po si Sam?" Tanong ko

"Kausap si Ice sa office ng daddy mo."

"Bakit po?"


"Ikaw naman, namimiss mo agad. Wag kang magalala, babalik din agad yun." Pangaasar sakin ni Mommy

"Ma naman!"

"Naalala ko talaga kaming dalawa ng Daddy mo dati. Yung sinusundo niya ako sa bahay kasi magda-date kami tapos tulog pa ako kaya gigisingin niya ako." Para siyang nagda-daydream habang nagkwe-kwento, "Ang sarap talaga ng ganiyang stage. Yung boyfriend-girlfriend stage."

Let Me InWhere stories live. Discover now