Prologue

5.8K 81 36
                                    

Naglalalakad ako sa may UP Diliman. Ni hindi ko nga alam kung paglalakad ba itong ginagawa ko o nawawala ako. Sa laki ba naman ng school na 'to, bakit hindi ko naisipang magdala ng kotse?


Bobo mode strikes!


May nakita kasi ako sa internet na Nitrogen Ice cream. Sikat na sikat yun at gustong kong matry kumain ng ice cream na umuusok. Nakalagay dun, sa may UP Diliman daw ang daan pero pwede ding sa Philcoa.


Kelan pa kasi umusok ang Ice diba? Yung Kuya ko lang naman yata yung Ice na laging umuusok dahil sa init ng ulo.


Padabog akong naglalakad sa kawalan dahil sa iniisip ko. Asar na asar talaga ako sa lovelife ng iba. Ang hilig ko maki-asar sa ibang lovelife. Well, ganun naman talaga siguro kung single.


I'm single as a pringle.


And that sucks! Okay lang nung una pero ngayon? Ngayong lahat sila ay lovey lovey doo doon samantalang ako ay single? Aba, hindi masaya!


Ilang taon na ako pero wala padin akong boyfriend! 


Saan ba yung Nitrogen Ice cream na yun? Napaka-laki nitong UP, hindi ko alam kung saan ako liliko.


May mga dumadaan na jeep pero hindi ko naman alam kung anong sasakyan ko. Ni hindi ko nga alam kung paano magbayad sa jeep!


"Magdahan dahan ka naman, miss."


Napaangat ako ng ulo sa lalaking pawisan na nakita ko. Tinignan ko siya ng masama, kunot noo naman niya akong binalingan.


"Nagdadahan dahan ako. Muni muni nga ang peg ko eh! Ikaw ang hindi nagdadahan dahan kaya nadikit yang pawisan mong braso sakin."


Tinignan ko yung braso niyang pawisan. Ehem, biceps!


Alam ko 'tong biceps na 'to. Eto yung biceps ng mga nag g-gym, yung tipong may instructor at schedule pa. Firm na firm at mukhang matitigas.


Ahhh! Ircy, behave! Binangga ka niyan nang pawisan siya. Kung sana ay hindi siya pawisan, okay lang. Ay, showbiz.


"Nahiya naman ako sayo. Kala mo ang bango." Bulong niya

"Narinig ko yung sinabi mo! Mabango ako at Chanel ang gamit kong pabango kaya paniguradong mabango talaga ako!"


Naintimidate ako nang pasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay kaya ganun din ang ginawa ko! Pinasadahan ko siya ng tingin. Mula ulo hanggang sa mga kuko niya sa kamay at hanggang sa dulo ng sapatos niya!


Matangkad, maputi, malaki ang katawan at singkit. Mukhang may lahing intsik. Mukhang wala na siyang makikita kung ngingiti pa. Matangos din ang ilong at mapula ang labi na manipis. Jawline gaming ang peg at bagsak ang itim na buhok. Gwapo ang isang 'to pero hindi ko gusto ang ugali!

Let Me InWhere stories live. Discover now