Nagising ako na medyo mamasa masa pa yung pisnge ko. Naparasap yata yung tulog ko! Tumingin ko sa paligid para tignan kung nasan ako dahil ang sakit ng balakang ko...
Nasa site pa pala ako!
Tatayo na sana ako kaso muntik na akong matapilok nang hindi magpantay yung paa ko. Nasaan na yung isa kong sapatos?!
"Nako, napaginteresan na yata yung sapatos ko." Pero baka hindi naman? Baka nasipa ko lang kung saan dahil sa sarap ng tulog ko.
Paborito ko pa namang sapatos 'to tsaka ang mahal mahal nito! Kaya hindi pwedeng mawala! Magkamatayan na, basta mahahanap ko yun!
Nagpatuloy akong maghanap sa ilalim ng mga upuan hanggang sa mapagod na ako. Lintek naman! Sino ba kasing kumuha nun?
"Jace!" Pagtawag ko sa kaniya na nasa di kalayuan kaya tumakbo siya palapit sakin.
"Bakit?"
"Nakita mo ba yung sapatos ko?"
"Hindi eh, bakit? Nawawala?"
"Ay hindi hindi. Hinahanap ko kasi suot ko, no?" Sarkastiko kong sabi
"Teka lang, itatanong ko lang dun sa ibang staff, baka nakita nila." tumango lang ako at umalis na siya para ipagtanong nga.
Kakalbuhin ko kung sino mang tumangka na pahirapan ako ng ganito! Juice colored, sapatos lang yun eh! Bakit pati yun ninanakaw? At nahiya pa talaga, isa lang ang kinuha.
"Kunin mo daw sa office yung sapatos mo." sabi ni Jace pagkabalik niya
"Sa office? A-ah, sige. Thank you ha!"
Paano napunta sa office yung sapatos ko nang magisa? OH MY GOSH.... Kaya siguro mahal siya kasi may sariling buhay 'tong mga sapatos na'to! May feelings din siguro sila at nainitan yung isa kong sapatos kaya pumunta siya ng office.
OH MY GOSH....
Umiling ako para tumigil kakaisip ng kung ano ano, may kumuha nun panigurado! Hindi makakapunta dun yung sapatos ko nang magisa, unless nalang kung totoo nga yung iniisip ko pero hindi eh!
Pumunta ako sa office na ikaika at nasa pinto palang ako, naramdaman ko na agad yung lamig sa paa ko. Ang sarap, ang sarap ng aircon!
Napasandal ako saglit para magpahinga, ang lamig sa paa. Sa paa lang, sapat na pero hindi na ako cho-choosy kung pati katawan ko ma-aircon-an.
"KYAAAAAAH!" Napasigaw ako nang magbukas yung pinto at muntik na akong ma-out of balance buti nalang at may sumalo sakin.
Tumayo agad ako ng maayos pero muntik nanaman akong ma-out of balance dahil hindi pantay yung paa ko pero agad akong inalalayan nung sumalo sakin.
"Thank—- IKAW?!" Sigaw ko nang makita kung sino yun
"BAKIT KA ANDITO?"
![](https://img.wattpad.com/cover/39700100-288-k172246.jpg)
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...