Chapter 5- Risk it

1.5K 48 9
                                    

Chapter 5

"Ms. Ircy, pinapatawag po kayo ng Mommy niyo sa sala." Sigaw ng maid namin sa labas ng kwarto ko

"Sige po."


Tumayo ako ako sa pagkakahiga ko sa kama para pumunta sa sala namin. Anong oras na din ako nakauwi kagabi. Ang tagal kasi naming tumambay ni Drox duon sa ice cream parlor.


Hindi ako hinatid ni Drox dahil nga may dala akong sariling sasakyan pero nakabuntot naman yung sasakyan niya sakin hanggang sa may gate ng village kagabi.


Nadatnan ko si Mommy na nakaupo sa sofa at nakahilig yung ulo sa sandalan, nakapikit siya pero nakangiti.


"Mommy." Tumabi ako sa kanya

"Ircy."

"Po?"

"Diba gusto mong mag-aral sa US?"

Tumango ako, "Opo, mommy. Yun talaga ang gusto ko, alam niyo yan."

"Alam mong ayaw ka naming malayo samin. Kaya nga hindi namin pinapayagan yung Kuya mo na tumira sa condo niya kasi ayaw naming mahiwalay kayo samin." Tumigil siya at ngumiti, "But we've decided na pumayag na since yun naman talaga ang gusto mo."

"Talaga po? Thank you, Ma! Thank you po talaga! The best po talaga kayo ni Daddy!" Niyakap ko si Mommy


Ang tagal ko nang kinukulit sila na pagaralin ako sa US ng interior design. Mas maganda kasi dun tsaka mas madaming opportunities. Kaya naman namin eh, bakit papalagpasin pa, diba?


Excited akong umakyat sa kwarto ko para ibalita iyon kay Drox and kay CG, siyempre pero kay Drox na muna tutal naman at siya talaga yung kilala ko.


Tinawagan ko na siya kahit hindi naman talaga kami nagtatawagan. Baka kasi tulog pa, mabuting gisingin ko na.


"Hoy Drox!" Sigaw kong bungad nang sinagot niya

"Gandang good morning." Tumawa siya. Medyo paos pa yung boses niya, halatang kagigising lang, "Good morning, miss beautiful na laging may dalaw."

"Gooooood mooooorning!"

"Anong meron? Himala yatang tumawag ka? Naisip mo na bang magustuhan na ako kaya tumawag ka?"

"Sira ulo." Napairap ako, "May ibabalita lang kasi ako."

"Lagi mo nalang akong pinapaasa."

"Lagi ka kasing umaasa, hindi ka naman pinapaasa."

"Ouch naman." Iniba niya yung boses niya na parang nasaktan, "Ano yung news mo? Mukhang maganda ah?"

"Pumayag na sila Mommy na pagaralin ako sa US!" Gigil kong balita, "Ang saya saya! Sobrang excited na ako! Alam mo yun, dati ko pa sila kinukulit for this! Talagang gusto ko dun mag-aral. Promise, I'll be successful someday!"


Wala akong natanggap na kahit anong sagot mula sa kanya, tanging malalalim na hinga lang.


"Still there?" Tanong ko

"Yeah."

"Eh bat di ka nagsasalita?"

Let Me InWhere stories live. Discover now