Ito nanaman po ako, di mapakali kakahanap ng makeup tutorial sa youtube. Nakakainis! Ang tanda tanda ko na, di parin ako marunong magmakeup ng matino!
Kapag talaga nagka-anak ako ng babae, pagaaralin ko magmakeup para hindi siya stress mode sa mga ganitong moment.
"Mommy!" Tumakbo ako papunta sa kwarto nila ni Daddy, "My! Pa-makeup naman po."
"Bakit? Saan ka pupunta?" Usisa niya
"May party po akong pupuntahan."
"Kaninong party naman yan?"
"Birthday party po ng kapatid ni Sam."
"Ay ganun ba? Dapat mas maganda ka pa sa kapatid niya para maging botong boto sila sayo!" Hayy, sana kung ganun lang kadali lang yun, My, "Ako ang bahala sayo!"
Basta talaga pagdating sa ganito, si Mommy ang expert. Siyempre, model siya nung mga kapanahunan niya tsaka hanggang ngayon naman nagma-manage siya ng mga fashion shows kasabay ng pagma-manage niya din sa company namin pero dahil buntis siya ngayon, pinag-leave siya ni Daddy.
Matanda nadin kasi si Mommy kaya maselan na siya magbuntis. Kung hindi ako nagkakamali, menopausal baby yung magiging kapatid namin kung tawagin.
Halos isang oras akong inaayusan ni Mommy. Ni hindi ko na nga malaman kung anong pinag lalagay niya sa mukha ko tsaka sa buhok ko eh.
"Ang ganda ganda mo talaga, nak! Manang mana ka sakin. Wahahaha!" Idinikit niya pa yung mukha niya sa mukha ko sabay taas baba ng kilay sa may salamin.
"The best ka talaga, My!"
Pero ang ganda ko nga talaga ngayon. Para talagang fairygodmother si Mommy pagdating sa ganito. Light lang yung makeup na nilagay niya sa mata ko tapos yung lips ko naman nilagyan ng ng bright red lipstick kaya ayun ang naging pansin na pansin. Yung buhok ko naman, hinati niya sa gitna tapos kinulot lang kasi maikli lang naman, bumagay naman kasi may highlights yung buhok ko kaya kitang kita yung pagkakulot.
Black yung dress na susuotin ko, ayun kasi ang bagay kapag mga gabing events. Alangan namang mag neon green ako or orange, street officer lang ang peg?
Simpleng fitted black dress lang, walang cut sa kahit saang parte pero elegante naman yung dating tapos nagpumps ako ng color nude para maganda ang color scheme.
Tumunog yung phone ko kaya nagmadali akong kuhanin yun sa kama ko.
From: Chicken <3
My driver will fetch you there. See you later. I love you.
Parang may kung ano akong naramdaman nung mabasa ko yung I love you! Hindi parin ako sanay at hindi ko alam kung kailan ako masasanay.
Kinabahan tuloy ako bigla ngayong hindi pala si Sam ang susundo sakin. Baka kasi mamaya sa gate palang, abangan na ako ng family niya. Hehehe! Joke lang!
Sa bahay kasi nila yung venue ng party. First time kong makakapunta sa bahay nila. Kinakabahan talaga ako pero I need to face them head-on, hindi pwedeng magtago nalang ako sa likod ni Sam.

YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...