Chapter 41- First Times Together

1.1K 37 4
                                        

Tulaley parin ako habang nasa sasakyan. Actually, tulaley parin kaming parehas. Parang may anghel na nakasakay sa likod at pareho kaming hindi nagsasalita.


What we just did was..... Hay! Ayoko na magsalita. Juice colored! Kapag naaalala ko parin, parang nagiinit yung mukha ko!


Grabe, hindi ako makapaniwala na muntik na naming gawin yun! As in, hindi ko din napigilan yung sarili ko! Ang totoo nga, parang nagustuhan ko pa. Juice colored talaga! Sobra sobrang pagkakasala na'to! Pakiramdam ko kapag pumunta ako ng office niya, yun lagi ang maalala ko.


"Bakit hindi ka nagsasalita?" Rinig kong sabi niya

"Eh bakit hindi ka rin nagsasalita? Kapag ba hindi ako nagsalita, hindi ka rin magsasalita?" Natawa siya

"How do you feel?"

"Ahm... Ano... A-ano... Bakit mo ba tinatanong yan!" Sigaw ko, tawang tawa naman siya! Parang puputok na yung mukha niya kakatawa

"Kaasar 'to." Dagdag ko pa

"Are you nervous?" Tanong niya pa ulit

"Hindi ah! Bakit naman ako kakabahan?" Pero kinakabahan talaga ako!

"Don't worry, we won't do it again... unless if you want to." Sinapak ko nga, kung anong pinagsasabi nito! Pakiramdam ko lalong namula yung mukha ko

"Hahahaha! I'm just joking. Ang cute mo lang kapag naasar tsaka defensive. Hahaha!" Tawa parin siya ng tawa


Marami talagang mamamatay kakatawa. Cause of death: laughing so hard.


Nang makarating na kami sa bahay, hindi muna ako bumaba. Gusto ko muna ulit siya makausap. To clear things up between us. Napangunahan kasi kami kanina. Geez!


"Ano.. Sam." Bungad ko

"Hmmm?" Humarap siya sakin. Napalunok naman ako. Bakit ganito?! Feeling ko kapag nagkakaharap kami, hahalikan niya ako!

"Uhm... Ano..." Hindi ko makapa kung anong sasabihin ko, "See you tomorrow."


Lalabas na sana ako ng kotse pero pinigilan niya ako, napaupo tuloy ako ulit. Hindi ko naiwasan yung mata niyang diretso na nakatingin sakin.


"Diba may utang ka pa sakin?" Tanong niya

"Utang?"

"Remember 5 years ago? The basketball match? Diba sabi mo kapag nagshoot ko yung bola, magkakautang ka sakin? You haven't paid that yet."

"Grabe! Grabe talaga ang mga intsik pagdating sa utang no?" Natatawa kong sabi

"At ang tagal na nun! Mataas na ang interes!" Sabi niya pa

"GRABE KA SAKIN HA!" Hinampas ko siya ng pabiro. Tumawa naman siya at hinawakan yung kamay kong pinanghampas ko sa kaniya.

"Business is business." Ngumiti siya


Sinubukan kong hinalin pabalik yung kamay ko pero ayaw niyang bitiwan yun kaya hinayaan ko nalang na hawakan niya ito.


"So anong gusto mong ibayad ko?"

"Can you give me a chance? I'll court you." Seryoso niyang pagkasabi, lalo niya pang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.

Let Me InWhere stories live. Discover now