Chapter 8
"Nice! Bait talaga nila tita. Buti may chevy express kayo, Ice? Di ko 'to nakikita sa inyo ah?" Rinig kong sabi ni Cloud
"Andun yan sa bahay nila Tita Kennedy pero nakay daddy yung susi." Sagot ni Kuya habang nagsasakay ng bagahe sa likod ng sasakyan
"Kuya, palagay nadin nitong akin diyan." Kinuha niya yung bag ko at ipinatong dun sa tingin kong bag niya.
Itinago ko yung earphones ko sa may slingbag ko bago pumasok ng sasakyan. Naabutan ko si Natalie na nakasimangot dahil tumabi si Rain sa kanya.
Umupo ako sa may pinaka-likod kung saan katabi ko si Cloud na parang nakasinghot ng kung ano ano dahil any hyper!
"Madaling araw palang, Cloud. Bakit hyper ka diyan?"
"KJ mo naman, Ircy! Umagang umaga ang init ng ulo!"
"Inaantok pa kasi ako."
"Sana nagpadala nadin ng driver sila Tita para no stress." Narinig kong sabi ni Stone
"Edi wow. Kami na lahat nagdonate no?" Binatukan ko siya
"Ate Nadine, gano kalaki yung resthouse niyo?" Tanong ni Kristina
"It's a secret. Malalaman niyo dun." Nasihiyawan kami sa sagot ni Ate Nadine
Grabe, nabubuhayan ako ng loob! Nae-excite na ako dito sa trip namin na'to. Maybe because after this, aalis na ako. Gah, I'm gonna miss the gang!
"Hoy loverboy! Dito ka nga para masaya tayo. Hindi yung LQ kayo diyan." Binato ng chips ni Cloud si Rain.
Nagpalit kami ni Rain ng upuan, lumipat siya dito sa likod at lumipat naman ako doon sa tabi ni Besty.
Si Kuya ang magdi-drive kaya nasa passenger seat si Krizzia, ewan ko ba kung bakit kasama pa ang isang yun dito. Nagrereklamo si Kuya kanina kasi tinatamad daw siyang magdrive pero dahil talunan siya at tanga tanga sa bato-bato-pick, wala na siyang nagawa.
"Kuya, patugtog ka naman diyan!"
Pang party yung pinatugtog ni Kuya sa van. Una ay mga remixes ni Zedd, kasunod ay yung kila Skrillex and Martin Garrix.
Ang alam ko, puro ganyan ang laman ni iPod ni Kuya kaya paniguradong buong biyahe ay ganyan ang tutugtog.
"Para malaman niyo, hindi libre 'to. Mga ungas, mag-ambagan kayo diyan ng pangpa-gas!" Sigaw ni Kuya
"Boooooo!" Sigaw nila
Wala naman silang choice kundi mag-ambagan kundi ihihinto ni Kuya 'tong sasakyan at hindi kami makakarating ng Baguio. Hindi ko kailangan magbayad kasi samin na nga 'tong sasakyan tapos magaambag pa ako?!
Maya maya, nanahimik na sila. Ako nalang ang nagiingay. Maingay kasi kumain ng chips! At ang awkward kasi yung pagnguya ko nalang ang naririnig, Kuya stopped playing music na kasi.
Nagunat unat ako nang maalimpungatan ako dahil sa pagkahilo. Pa-zigzag kasi 'tong dinadaanan namin paakyat ng Baguio!
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...