After nung party, dalawang araw na hindi nagpaparamdam sakin si Sam. Not totally hindi nagpaparamdam, hindi pala nagpapakita.
"Ms. Hernandez, pinapaabot po ni Eng. Lim." May inabot yung secretary niya sakin na sticky note
Have you already eaten? -Sam
Ganito! For the past 2 days, puro ganito lang siya! Hindi ko alam kung anong trip niya.
Hindi pa naman lunch, bakit kakain na ako? -Ircy
Inabot ko sa secretary niya yung sagot ko tapos maya maya lumapit nanaman sakin yung secretary niya para may iabot.
Baka kasi gutom ka na. :) -Sam
Ano bang problema nitong intsik nato? Pero joke lang, feeling ko kasi mahirap sa loob niya na kalabanin yung family niya. Sino ba namang hindi diba? Mismong ako ay nahihirapan na makita siyang ganun.
Alis tayo ng lunch. :) -Ircy
Tinawagan ko yung Seenzone para yayain sila, siyempre hindi naman sila aayaw. Si Kuya lang yung umayaw pero dahil kinulit siya ni Besty, wala na siyang nagawa. Wahahaha!
"Ehem." Nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ng table ko pero hindi siya makatingin sakin.
"Tara?"
Nauna na akong maglakad sa kaniya pero nagulat nalang ako nang hawakan niya yung kamay ko at sabay na kaming maglakad. Ang laki talaga ng mga hakbang nito.
"I'm sorry." Nahihiya niyang sabi
"Naiintindihan naman kita." Ngumiti ako sabay hinigit siya papasok sa kotse ko kasi baka hilahin niya ako papunta sa kotse niya
"Hep! Wag ka muna magtanong, tandaan mo fail ka sa date natin noon kaya bawal kang kumontra! Ako ang nagplano nito kaya wala kang say." Dagdag ko pa nung magtatanong sana siya.
Siya yung nasa shotgun seat, ako naman sa driver's seat. Hindi naman niya alam kung saan kami pupunta eh, bakit ko siya pagdi-drive-in?
"Fish, where are we goin'?" Tanong niya
"Secret!" Nakakalokong ngiti kong sagot
"Ako nalang ang magdi-drive so you can rest."
"Hindi mo naman alam kung saan tayo pupunta kaya bakit ikaw ang magdi-drive?"
"Tch! Sabi ko nga." Pabiro niyang sabi kaya natawa ako
"Hindi bagay sayo magsungit. Hahahaha! Lalo kang nagmumukhang manok na trying hard. Hahaha!" Natatawa ko sabi
"Tch! Mas nakakainlove daw yung ganito kaya tinatry ko para hindi mo ako iwan."
"Favorite word mo na yang 'tch!' ngayon? Ganon?" Pangaasar ko, ginaya ko talaga yung pagka-tch! niya. Hahaha!
"Tch!" Lalo niya pang nilakasan sabay simangot
"HAHAHAHAHA! Trying hard!"

YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...