Chapter 11- Owning You

1.3K 46 5
                                    

Chapter 11

Naubos ang buong araw ko sa paghahanap ng make-up tutorial video sa youtube para sa pupuntahan namin ngayong gabi. May business party kasi and we're invited, kailangan na kailangan naming pumunta lalong lalo na ngayon na kakabangon lang namin from a bankrupt issue.


Hinayaan kong si Mommy ang magpa-design ng susuotin ko kasi mas marami siyang alam sakin when it comes to fashion. Dati kasi siyang model kaya mas updated pa siya sakin sa mga usong trends ngayon.


Papasa naman yung height and looks ko sa mga model model na yan, in fact, may kumukuha sakin pero it's not really my thing. Mas gusto kong manginain kesa gutumin yung sarili para lang ma-maintain yung model-like-figure.


"Hay, hindi ko talaga alam kung paano sisimulan 'to." Tinignan ko yung mga nakalatag sa make-ups sa harap ko, "Bakit pa kasi kailangang mag make-up? Okay naman na lipgloss nalang tutal gabi naman!"

Naglalagay ako ng bb cream nang may kumatok, "Who's there?"

"Ircy." Sumilip si Mommy, "Do you need help?"

Tumango ako, "Ma, alam mo namang wala akong alam sa mga ganito ganito. Please, help me."


Tumawa siya at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay na a-amaze padin ako sa itsura ni Mommy, mukhang kapatid ko lang siya!


She's wearing a simple white mermaid gown na off shoulder at backless, may mga kakauting designs pa na swarovski sa may harapan at sa ibaba. Nude ang kanyang make-up and naka-red lipstick, ang mahabang buhok naman niya ay nakakulot sa dulo.


Ganda talaga ng nanay ko, kaya ang ganda ko din eh. Joke!


"Ikaw talaga, dalaga ka na, di ka padin marunong mag-ayos ng sarili." Sermon niya sakin

"Wala talaga akong hilig sa ganyan, my! Yan ang hindi ko namana sayo."


Napansin kong kinuha niya ang pallet ng eyeshadows kaya kusa na akong pumikit. Ano kayang kulay ang nilagay niya?


"Have you seen your gown?"

"Hindi pa po."


Hindi ko pa nakikita yung isusuot ko dahil hindi ko pa naman nabubuksan yung box. Sapatos palang yung nakikita ko, color gold pumps.


Hindi ko na alam kung ano pang pinaglalagay ni Mommy sa mukha ko dahil pumikit nalang ako hanggang sa matapos.


"Ang haba na ng buhok mo. What do you want to do with this?"

Dumilat na ako at umiling, "Ganyan nalang po?"


Sobrang haba na kasi nito, lagpas bewang na. Mukha na tuloy akong sirena. Itim ito at medyo wavy pagdating sa dulo.


Halos mukhang wala akong make-up, hindi ko alam kung anong kulay ang nilagay nilagay ni Mommy sa mga mata ko, white yata or cream? Yung lipstick ko naman ay kulay natural lang, buti nalang, hindi naman kasi ako mahilig sa mga bright colored lipstick.

Let Me InWhere stories live. Discover now