Chapter 21- Macy

953 30 6
                                        

>>Flashback<<

Dumating ako galing school at nasa labas palang ako ng bahay, rinig na rinig ko yung ingay ng caretaker namin. Sinong kausap nun sa loob? At bakit sumisigaw pa siya? Hindi kaya.... Oh my gosh!


Nagmadali akong pumasok para lang makita na nakikipag laro siya sa isang teddy bear. Joke! Aso talaga pero mukhang teddy bear.


"Ate, ang cute naman niyan." Lumapit ako dun sa aso

"Hey there little cutie." Hinimas himas ko yung katawan niya hanggang sa tumihaya na siya para ipahimas yung tiyan niya


Ang lambot lambot niya na color brown! Poodle yata to kasi mukha talaga siyang teddy bear!


Bata palang ako, gusto ko na ng aso kaso ayaw nila Mommy at Kuya Ice kasi daw stress daw alagaan pero si Daddy, okay lang naman sa kaniya. Siyempre, daddy's girl ata to.


May soft spot talaga ako for animals, lalo na for dogs. Kung hindi siguro ako nag-interior design, baka nag veterinary ako sa sobrang hilig ko sa animals.


Dati nga, pangarap ko magpatayo ng sariling bahay tapos puro aso lang kasama ko.


"Ate, kanino to? Ang cute naman niya!" Kinarga ko na at niyakap yakap ng mahigpit

"Sayo."

"Sakin?" Balik kong tanong

"Oo. May nagpadala. Naka basket pa nga yan eh tapos may tag na para sayo. Akala ko nga ikaw yung bumili."

"May nagpadala? Nasan yung tag? Patingin nga po." Ibinaba ko muna yung aso tapos tumakbo siya papunta sa inuman niya ng tubig.

"Eto oh." Inabot niya yung tag. May maliit pang blue na ribbon.


Sino namang magpapadala ng aso sakin?


She will be your stress reliever. Call me when you receive this cute dog, let's give her a name.:-)

-Chinito Prince


Aba! Si Sam? Agad kong binuhat yung aso at tumakbo paakyat sa kwarto ko para tawagan siya. Ano kayang magandang pangalan?


Yung intsik talaga na yun! Hindi nabibigo na pasayahin ako. Kayang kaya niya pawalain yung stress ko. Stress na stress kasi ako ngayon dahil finals namin at puro rants ang sinasabi ko sa kaniya tapos eto ngayon, nagpadala siya ng sobrang cute na stress reliever


Habang nagri-ring pa yung video call, hinimas himas ko yung ulo nung aso tapos tumingala siya at dinilaan yung mukha ko. Ang cute cute! Gusto ko siyang pisain sa sobrang cute!


Feeling ko hindi na ako makakapagaral, gusto kong panoorin nalang siya buong araw at magdamag. Kahit yata natutulog siya, gusto ko siyang panoorin.


Sobrang cute niya talaga! At ang liit niya pa! As in parang baby palang siya. I don't know kung ilang months pero mukhang bata pa talaga.

Let Me InWhere stories live. Discover now