Chapter 9- Unreachable Dream

1.3K 37 3
                                    

Chapter 9

Pauwi na kami ng Manila, nagpasundo kami sa driver nila Ate Nadine kasi inuwi nila Kuya yung sasakyan kagabi kaya nung pumunta kami sa Burnham Park, nag-taxi nalang kami.


Nag-vibrate ang phone ko na nakasilid sa loob ng aking bag, agad ko itong kinuha para makita kung sino ang nagtext.


From: Kuya Ice

Stay at my condo first.


Ayoko nga dun! Ang dami daming bawal sa condo ni Kuya at anong nakain niya para doon ako patuluyin?!


Dati kasi lagi ko siyang kinukulit na magstay ako dun kahit isang araw lang pero ayaw niyang pumayag kasi magkakalat lang daw ako. Aso ba ako para tumae kung saan saan lang dun? Tapos ngayon, siya pa mismo ang nagtext na dun ako magstay, ano kaya talagang nakain nito?


Thirdwheel na thirdwheel ang dating ko sa tatlong couples dito, kahiya naman!


"Ate Nadine, paki-sabi ako na yung unang ihatid. Sa bahay namin ha?"

"Alright." Aniya, "Kuya, sa Hernandez muna tayo."

"Okay po."


Nakaidlip ako sandali pero paputol-putol ito, hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ng maigi.


Sinandal ko nalang ang aking ulo sa may bintana sa buong biyahe, napipikit ako pero hindi talaga ako makatulog. Lakas maka-horror ng ganitong feels ha!


"Ircy, malapit na tayo. Ayusin mo na yung mga gamit mo diyan." Paalala ni Stone

"Ayos na po."

"Gisingin mo na din yung dalawa sa tabi mo. Sila na yung next na ihahatid." Ani Ate Nadine


Bumaling ako kila Natalie at Rain na magkayakap habang natutulog. Nagkibit balikat ako, ayoko silang gisingin! Masyado silang sweet para istorbohin.


Kung may kaganyanan lang ako at ginising ako, mananapak talaga ako ng wala sa oras.


Hindi ko na pinapasok pa yung kotse sa bahay, lalakarin ko nalang, nakakahiya naman kasi ang dami pa nila dun. Nagpaalam na ako sa kanila, ganun din ang ginawa nila, pati sila Natalie na kaninang natutulog ay nagising dahil sa ingay ni Stone.


"Stone! Para namang hindi pa tayo magkikita, makapag-bye bye ka naman diyan!" Saway ko

"Ayaw na kasi kita makita kaya nilulubos ko na yung bye bye sayo." Ngumisi siya bago isinara yung pintuan kaya hindi na ako nakasagot pa.


Napailing nalang ako at nakangiting pumasok sa bahay, pinagbuksan pa ako nung mga security guard, mukhang mga nagtataka pa kung bakit naglalakad lang ako.


Hayy, ilang linggo nalang ako dito.


"Ma? Dy?" Patalon talon kong tawag sa kanila bago pa man ako makalapit sa may pintuan


Napanganga ako at nabitawan ang aking mga gamit nang makita ang loob ng bahay namin na halos wala nang laman. What happened?

Let Me InWhere stories live. Discover now