Chapter 48- The Two of Us

1.1K 21 4
                                        

A/N: Belated Happy Balemtayms! <3 

---------------------

!! WARNING !!

Ircy Brienne Hernandez's Point of View

Wala akong masabi. Hindi ako makagalaw. Ni paghinga ay parang nahihirapan pa ako. Pakiramdam ko sobrang bigat ng mga sinabi niyang 'yun sa pagkakataon na'to.


Isn't this love so toxic for the both of us, Sam?


"Ircy." Unti unting lumuwag yung pagkakayakap niya sakin tsaka niya hinawakan ang magkabila kong pisnge.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" Malambing na tanong niya

"Hindi, hindi kita kanina pa hinihintay. Matagal na kitang hinihintay, Sam."


Hindi siya nagsalita pa. Natutunaw ako sa titig niya na may mumunti pang luha. Lumalambot yung puso ko na para bang dinudurog paunti unti.


"Sam..." Nabasag ang boses ko na kahit pigilin ko ay kusang lumalabas

"What happened?" Dagdag na tanong ko pa


Umiling siya tsaka pilit na ngumiti. Nakatitig parin siya sakin at lalo iyon lumalim. Ramdam na ramdam ko sa pisnge ko ay paghagod ng hinlalaki niya. Para bang mimememorize niya yung bawat parte ng mukha ko habang nakangiti siya at tumutulo ang luha.


"Sam..." Bulong ko

"Tara? Babatiin ko sila tito at tita. Paniguradong kanina pa nila ako hinihintay." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsaklop ang mga daliri namin


Hinila niya ako papalapit kung nasan sila Mommy at Daddy at bigla naman nagliwanag yung mga mukha nila nang makita si Sam. Tsk tsk, complete family ang nandito. What's the meaning of this?


Pati yung mga barkada nila Mommy at ang mga pinsan-pinsanan ko kung ngumiti parang mga asong nagwawala. Tsk tsk!


"Dapat pala tinext mo nalang ako. Pinuntahan nalang sana kita kung nasan ka." Bulong ko

"Bakit naman?" Bulong niya pabalik

"Tignan mo naman mga mukha nila, parang ikakasal na tayo kung makangiti!" Angil ko

"Bakit? Hindi ba?" Napaharap ako bigla sa kaniya at siya naman patawa tawa bigla!

"Pffft! Don't give me that look, Ircy. Hahaha!" Tawa pa more!

"SAAAAAAAAM!"

"Hindi pa, diba? Kasi kung ikakasal na tayo, mas nakakalokong mga mukha ang ipapakita nila satin. Ipapakilala mo palang ako." Kumindat pa ang loko


Tinignan ko yung kamay naming mahigpit na magkahawak habang hinihila niya ako papunta kila Mommy. Tinignan ko rin kung paano yung ngiti niya ngayon. Gaano kabigat, Sam? Gaan kabigat ang nararamdaman mo?


Hindi ko maiwasang isipin kung masaya ba talaga siya sakin. Kung masaya ba talaga kami. Kung dapat ba kami maging masaya. Gayong ganito ang nangyayari. Lahat nalang hindi sumasangayon.


"WOHOOOOY!!! ANO MO 'TO, IRCY?" Bungad na sigaw ni Tito Xavier

"Anak, wag mong pansinin yung abnormal na yun. Halika na rito." Bati ni Daddy kay Sam tsaka siya inakbayan papunta dun sa may mga beer

Let Me InWhere stories live. Discover now