Chapter 49- Unexpected

747 18 4
                                    

Ircy Brienne Hernandez's Point of View

Nagising ako dahil sa matinding sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at dahil sa tagaktak na pawis na nararamdaman ko sa bandang likuran.


Naabutan kong nakabalot ako sa braso ni Sam habang nakaulo sa dibdib niya. Nagtaas ako ng tingin para makita ang mukha niyang kitang kita dahil sa sinag ng araw na tumatama dito. Ano ba yan, ang gwapo naman! Tsk!


Bigla kong naalala kung ano ang nangyari kagabi.... Syeeeeeeeeeeeet! Bigla akong nakaramdam ng pagiinit sa pisnge! Ginawa ba talaga namin yun? ...Nang hindi pa kasal? Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng kakaunting pagkalungkot.


I told myself that I will only give that to the guy who I'am going to marry. Napatingin ulit ako kay Sam, siya ang gusto kong pakasalan pero hindi ko alam kung kami ba ang magkakatuluyan sa huli.


"Good morning." Bulong ni Sam na dinampian ako agad ng halik sa noo.

"Good morning din, hindi naman mabigat yung braso mo no?" Pagbibiro ko at hindi ko alam na babalik din pala sakin agad yon.

"Hindi din naman mabigat yung ulo mo no?" Nagpipigil na tawa niyang sabi

"Itanong mo kung anong laman niyan kung bakit mabigat." Sabi ko

"Di na kailangan, alam kong ako" Natatawa pero mahina niyang sabi. Kebagong gising, ang lakas maghasik ng kalakihan ng ulo.

"Ang kapal-kapal-kapal-kapal talaga ng mukha mo." Pinalo ko siya ng mahina sa dibdib dahilan para umusod siya ng onti.


Ramdam na ramdam ko yung bawat paghinga niya lalo na sa tuwing humihinga siya ng malalim. Rinig na rinig ko din yung tibok ng puso. Ang sarap pakinggan!


"Ang sarap ng tulog ko, Ircy." Pagku-kwento niya habang pinaglalaruan yung buhok ko, "Thank you for giving me your trust."

"Anong flavor ba ng trust yan?" Pagbibiro ko ulit

"Isang gabi lang, nakakapag-sabi ka na ng ganiyan ah! Iba talaga ang epekto ko sayo no?" Pagmamayabang niya habang humahalakhak


Pero napagtanto ko na dapat hindi ko nalang pala sinabi yon! Naopen na tuloy yung topic na nangyari kagabi! Nakakahiya rin pala! Nakakahiya, hindi dahil sa ayaw ko yung nangyari kundi dahil sa first time ko yun at hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin.


Pero napagtanto ko rin na okay lang rin pala na mag joke ako ng ganun dahil nasa tamang edad naman na ako para maringgan ng ganun! Eto talaga masyadong nasasanay sa wholesome image ko. Hehehe!


"Ang pangit ng joke mo!" Sabi ko nalang para lumihis ng landas

"Buti nalang mahal kita kaya gandang ganda ako sa mga jokes mo." Nagpipigil na tawa niya nanamang sabi, "Nagda-drama ako kanina, sinira ng joke mo."

"Talent ko yun. Hahaha!" Totoong talent ko talaga yun, "Ang kwento ni Daddy, kay Mommy ko daw namana yun kasi kapag nanlalambing daw si Daddy, lagi nalang daw naninira ng moment si Mommy kaya ayun, nauuwi yung panlalambing ni Daddy sa pagsusungit."

"Ang sweet ng parents mo no? Parang napaka-dali ng lahat sakanila." Tumingala ako para tignan siya dahil rinig na rinig ko ang pait sa boses niya.

Let Me InWhere stories live. Discover now