Chapter 34 (Part 1)- Meeting Them

865 26 14
                                    

"My, anong nangyari kay Macy?!" Bungad ko pagkapasok na pagkapasok ng bahay


Napatahimik nalang ako nang makita ko si Mommy na nagising galing sa tulog sa sofa, katabi si Macy na nakapatong pa yung ulo sa hita niya.


"Ang ingay mo naman, Ir—- Sino yang kasama mo? Upo ka, ihong chinito! Anong gusto mo iho? Juice? Kape? Water? Manang! Paki-bigyan 'tong kasama ni Ircy ng menu!" Sigaw ni Mommy


Napa-facepalm nalang ako. Nawala sa isip ko na kasama ko pala 'tong intsik na'to at eto siya, ngiting ngiti na nasa gilid ko.


"Ihong chinito, maupo ka." Sabi ni Mommy sa kaniya, "Lemon! May inuwing lalaki si Ircy!"

"Ma!" Saway ko sa kaniya

"HA? MAY INUWING LALAKI? NABUNTIS MO BA, ANAK?" Nagmamadaling bumaba si Daddy na may hawak hawak na baril

"Sam, pagpasensyahan mo na sila ha. Ganyan talaga sila." Bulong ko


Tinututok ni Daddy yung baril niya kay Sam, napa-facepalm nalang ulit ako habang si Sam ay diretsong nakatingin kay Daddy.


Nung kinalabit ni Daddy yung gatilyo.... Halos manginig na si Sam pero kami...


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Nanginginig na kami kakatawa dahil sa reaksyon niya.


Pano ba naman kasi, yung baril na yun ni Daddy, confetii yung lumalabas. HAHAHA! Epic tuloy yung itsura ni Sam.


Narinig kong tumawa rin si Sam paunti-unti hanggang sa lumakas narin. Narealize niya sigurong na-uto siya ni Daddy at mukha siyang tanga kanina.


Kung alam niya lang.... Laking tuwa ni Daddy na may kasama akong lalaki pauwi ng bahay. Ilang taon na yata nila pinapanalangin na may isama na ako rito.


Pasalamat niya lang na wala si Kuya ngayon dito kundi kanina pa siya nasa labas. Ang init pa naman ng ulo ni Kuya dito kay Sam. 


"Joke lang, iho! Di ko kasi naorient 'tong asawa ko kung pano mag-welcome ng lalaki ni Ircy eh." Tumatawang sabi ni Mommy habang hinila si Daddy paupo sa tabi niya

"Akala ko hindi na magkakaboyfriend si Ircy." Sabi ni Mommy kay Daddy na parang pinaririnig talaga sakin

"Akala ko tatandang dalaga na yung anak natin." Sabi ni Daddy kay Mommy

"Iho, seryoso ka ba sa anak ko? Hindi mo ba siya sasaktan? Mabubuhay mo na ba siya? Hindi marunong sa gawaing bahay yan, kaya mo bang pagtiisan? Matakaw pa yan, pero hindi marunong magluto. Kumakain din siya ng breakfast na hindi nagto-toothbrush. Mahilig din siya sa mga bampira, pero sabagay para sating mga lalaki, mas pabor naman satin na makagat sa leeg." Sunod sunod na tanong ni Daddy kay Sam

"Hoy Ethan! Anong pinagsasabi mo diyan? Sisipain kita papuntang Mars! Bakit sinasabi mo yan sa inuwing lalaki ni Ircy?!" Binatukan ni Mommy si Daddy 

"Totoo naman ah! Gustong gusto mo nga akong kinakagat!"

"SISIPAIN TALAGA KITA PAPUNTANG MARS!"


Aawatin ko na sana sila at liliwanagin ko na sana ang lahat kaso hinawakan ni Sam yung kamay ko na para bang pinipigilan niya akong magsalita.

Let Me InWhere stories live. Discover now