Chapter 46- Sorry

939 26 2
                                        

"Huy, bakit ka namumutla diyan? Kaya mo pa ba magdrive?" Tanong ko kay Sam ngayong pabalik na kami sa firm para kunin yung kotse niya

"A-ah, okay lang ako. Don't worry." Pilit siyang ngumiti


Plastic talaga nito, namumutla na nga okay parin?!


"Hindi ka naman siguro nag foundation at nag concealer ng sandamakmak?" Seryosong pagbibiro ko. Teka, medyo magulo yun ah? Basta yun na yun!

"Ha? Bakit naman ako gagamit nun?" Takang tanong niya

"Ang putla mo kasi!"


Hinawakan ko yung noo para lang malaman na pwede na magluto ng itlog doon sa sobrang init!


"Nilalagnat ka ah!" Sigaw ko

"I'm not, mainit lang talaga dito." Nagiwas siya ng tingin sakin, halatang nagsisinungaling!

"Talaga lang ha? Kaya pala effort na effort kang mag-longsleeves."


Mainit talaga yung noo niya! Waaaah! Nilalagnat siya! Anong gagawin ko? At bakit naman kaya nilagnat to?


Conscience #1: Baka nakakalimutan mong umepek kayo sa ulan nung nakaraang araw.


Conscience #2: Baka din nakakalimutan mo yung epek niyo kanina. Pakiramdam niyo yata rain shower ang meron kanina kung namnamin niyo yung ulan.


Ano?! May lalabas pa ba? Baka nakakalimutan niyong ako parin ang may-ari sa inyo!


Nakarating kami sa may parking lot ng firm para lumipat siya ng kotse pero lumipat din ako sa kotse niya at nagtuloy tuloy sa may driver's seat.


"I'll drive you home. Ituro mo nalang sakin yung daan." Matigas kong pagkasabi dahilan para kunot noo siyang mapatingin sakin.

"Kaya ko na, Ircy."

"No. Makinig ka sakin. Ako na ang magdi-drive, ihahatid na kita. Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo."


Ang kulit kulit kasi, may sakit na nga nagmamatigas pa. Anong mapapala niya sa pagmamatigas niya? Psh!


Wala na siyang nagawa kundi ibigay sakin yung car keys niya. Habang nagdi-drive sinusulyapan ko siya, namamawis siya tsaka namumutla talaga, mapupungay din yung mata niya tsaka hikab ng hikab.


"Tsk, masama pala pakiramdam mo, hindi mo man lang sinabi." Sabi ko

"Nag-aalala ka ba?" Malumanay niyang pagsasalita

"A-ah.... Syempre naman!" Bakit ako nauutal?! Bakit naman kasi nagtatanong 'to ng ganun eh obvious naman.

"Edi alagaan mo ako." Ngumuso siya

"Paano naman kitang aalagaan kung...." Natigil ako tsaka hininaan yung boses ko, "Nasa bahay niyo..."

"I don't care, alagaan mo ang asawa mo. Yun ang gawain ng asawa kaya gawin mo sakin."

"Ay wow ang demanding mo naman po." Nanunukso kong sabi

"Ganun pag gwapo."

"Ha ha ha ha, a-sa." Pero gwapo talaga siya hehehehe

Let Me InWhere stories live. Discover now