Natalie Zoey Ramil's Point of View
Nasa harapan ako ng isang malaking pintuan, dito palang sa labas ay rinig ko na ang tugtog ng piano. Tinignan ko ang suot ko, isang simpleng puting gown na may mga burda na bulaklak sa ilalim at may mga lace at swarovzki crystals sa itaas. Kamukha nung gown ni Cinderella nung kinasal na sila nung prince niya.
"Wala akong pera. Wala din akong katawan pero mas lalo namang wala akong mukha kaya maawa ka na sakin." Bigla naman siyang napangiti.
"Idiot. Tssss." Aba't Lord! Kanina pa ako sinasabihan ng idiot neto. Mahina po ako sa english pero yung simpleng idiot naiintindihan ko po yun.
"A-ano ba kasing help yun?" Tanong ko
"I will help you na makatagal dito and you will help me to learn piano." Lord! Mabait po talaga kayo! Napaka-dali lang po nun! Salamat po!
"E nag-enroll ka naman na diba? Bat kailangan pa kita turuan?" Sayang lang oras ko. Mukha naman siyang mayaman kaya kayang kaya niya mag-enroll dun sa Grand Music Palace
"Gusto ko turuan mo ako." Nakatingin padin siya sa daan habang nagda-drive. Antipatiko!
"At bakit naman?" Humarap ako sa kanya at nag-cross arms
"I don't know? Past time siguro." Ano? Laruan lang?
"Masyado akong panget para sa laruan."
"Alam ko." Badtrip naman oh!
"Osige na nga!" Tinaas ko yung salamin ko dahil malapit ng mahulog. Sorry naman! Walang pang-salo. Walang buto yung ilong ko katulad ng mga inyo. Pure filipino ako!
"Tsssss. Annoying ugly idiot."
Natawa nalang ako sa pagalala nung una ko siyang makita, napaka-magical, kahit sino hindi maniniwala kung ikwe-kwento ko.
Ang dami naming pinagdaanan, masyado kaming pinaglaruan. Napunta kami sa mga taong magtuturo samin kung pano ang totoong pagmamahal para ihanda kami sa isa't isa. Nakakatawa lang na pati ang oras at panahon ay hinanda rin kami.
Nang magbukas yung malaking pinto ay bumungad sakin ang mahahalagang tao sa buhay naming dalawa ni Ice. Ang mga taong tinulungan kami na buoin ang storya namin.
Dahan dahan akong naglakad papalapit kay papa at pagkalapit ko sa kanya ay isinabit ko ang braso ko sa kanya. Maluha-luha siyang nakangiti sakin habang tinitignan ako sa mata tsaka ako marahan na hinalikan sa noo.
"Pa..." Ngiti kong sambit
"Am I doing the right thing, my princess? Is he really enough for you? Can he make you happy?" Nagaalalang tanong ni papa
"Pa naman!" Pabiro ko siyang pinalo sa braso, tumawa siya pero maluha luha parin
"I'm so proud, and so happy." hinawakan niya yung kamay kong nakasabit sa braso niya, "You're about to see your another dream come true and I'm so glad that I'm now here to walk you towards that dream."
Pinasadahan ko ng tingin yung mga bisita. Syempre, hindi mawawala ang Seenzone. Masayang masaya sila na nakatingin sakin. Andun din si Kristina at besty, syempre. Tinanguan at nginitian ko sila nang madaanan ko sila.
Pinapanood mo rin ba ako ngayon, Rain? Kung nasan ka man ngayon, please guide me, guide us.

YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...