Teka, teka!
Saan ko nga ba narinig yung pang—— ABA WALANGYA!
"IKAW?!"
Tumango tango lang siya ng dahan dahan habang nakangiti na para bang alam niyang ganito ang magiging reaksyon ko.
"Ayoko na! I quit! I quit!" Dinampot ko yung bag ko at akmang aalis na kaso winagayway niya yung contract sa harap ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Inahle. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale.... Bwisit!
"TALAGANG—- TALAGANG! Argh! Pinagplanuhan mo 'to no? Sinadya mong papirmahin muna ako sa kontrata bago magpakilala sakin?"
"Akala ko kasi kilala mo na yung employer mo. Didn't know that you trust persons easily." Nanlaki yung mata ko. Ano to?! Patama? Hindi ako magpapatalo!
"Because I thought you're trustworthy."
"Your trust isn't enough to make you stay." Sagot niya
"I've trusted you so much that it made me leave."
"Yes." Tumango siya, "You're the one who left."
Napaiwas ako ng tingin. Anong pinapalabas nito? Na ako pa ang may kasalanan kung bakit ako hindi nagparamdam? Eh, siya itong may babae na paluhod luhod pa!
"This is work. Ilabas sana natin ang personal life." Matigas kong pagkasabi
"Very well said, Ms. Hernandez. So, if you wanna quit because of your personal life, well..."
Huminga ulit ako ng malalim bago siya balingan ng masamang tingin.
"Hindi! Binabawi ko na! I won't quit!" I'll endure it. Baka akalain niyang may gusto parin ako sa kaniya kaya magqui-quit ako. Nek nek niya!
"Okay, good. So, it's settled?"
"Settled your face." Bulong ko habang nagmamake face
"Ano yun, Ms. Hernandez?" Pinagtaasan niya ako ng kilay
"Wala, Mr. Lim. Ang sabi ko, when will I start?"
"Tomorrow. May project na hotel sa may Pasay, you'll be will some of our engineers and architects. Don't worry, bibisi-bisita ako doon minsan kasi may malapit din akong project doon."
"Ay nako! Kahit wag ka nang bumisita!"
"It's my decision whether I will visit or not, Ms. Hernandez." Ngumiti siya, "I need to see the progress of the projects. Maliban nalang kung..."
Nilapit niya yung mukha niya sakin. As in, malapit talaga! kaya napaurong ako ng kaunti lalo na nung umangat yung gilid ng labi niya.
"Kung?" Tanong ko
"Kung pupunta ka dito sa office ko araw araw para ireport sakin yung nangyayari sa project niyo." Lalo niya pang inilapit yung mukha niya sakin na halos magkadikit na yung dulo ng mga ilong namin.
Tinulak ko siya palayo at tinignan siya ng masama. I don't know if this is really Sam that I used to know o kapangalan lang niya.
YOU ARE READING
Let Me In
RomansaLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...
