Chapter 17
-Samuel Maximus Lim's Point of View-
"Write this down."
Ang bakla ng pinagsusulat ko, nakakabugnot. Hindi ko inaasahan na magiisip ako ng ganitong kabaklaan. Nakakabastos sa kalalakihan ko pero wala akong choice...
This is Ircy and this is Ircy's effect on me. Lakas ng tama!
"Number 1. Get a haircut."
"ANO?! MAGPAPAGUPIT AKO?" Reklamo niya
"Mukha ka nang taong nakatira sa bundok sa haba ng buhok mo, hindi ba uso salon diyan sa US?"
Umirap siya, "Ang hirap kaya pahabain nito! Para sabihin ko sayo, tatlong taon na akong hindi nagpapagupit para ma-achieve lang 'to."
"Gusto mo bang magpapunta ako ng stylist diyan para gupitan ka? You look so old."
"Excuse me, maganda kaya sa babae ang mahaba ang buhok!"
"Not that long. Kala ko ba gusto mo mag-move on? Bakit ka nagrereklamo?"
Actually, I just like girls with short hair kaya ko ito sinama.
"Oo na" Umirap nanaman siya, "Ano pa?"
Pinipigilan kong ngumiti kahit natutuwa ako sa ekspresyon ng mukha na ginagawa niya. I don't know why she always look cute.
"Number 2. Delete his number or palitan mo yung pangalan niya sa phone mo."
"Ano namang ipapalit ko?"
"Dugong na may butas sa pisnge?" Sagot ko
Tumawa siya ng malakas, "Bakit dugong? What the hell, Sam!" Tumawa nanaman siya
"Mukha siyang dugong, you can't blame me, yun ang tingin ko sa kanya."
Pangit lahat ng karibal ko sayo, Ircy. Don't blame me. Ako lang ang gwapo sa kanilang lahat because I'm the chinito prince, ha.
"Okay, that's a good name. Papalitan ko na, teka lang."
Tumayo siya sa kinauupuan niya at nakita kong naka short lang siya. Damn, her legs is so perfect. Ang haba, kinis at ang ganda ng kurba.
Puta, nagiging manyak na ako.
"Number 3. Delete all his pictures on your phone, delete all your memories with him."
"Wala naman siyang picture dito. Hindi ko ugali yun no!"
"Hindi ko naman tinatanong bakit ka defensive?"
Umirap nanaman siya, "Wala siyang pictures talaga, I promise kaya maniwala ka! Pero.... May voice record siya dito, ang gwapo kasi ng boses niya lalo na pag kinakanta niya---"
"Shut it, Ircy. Just delete that fcking voice record." Nagulat siguro siya sa sinabi ko kaya hindi nalang siya umimik at tumingin sa phone niya.
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...