Migrane- Moonstar 88 (Play video on the side -->)
"Chloe, why are you here?" Tumayo si Sam at nilapitan si Chloe, hinalikan naman siya sa pisnge nito kaya umiwas nalang ako ng tingin.
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta dito? Hahaha! Naistorbo ko ba kayo?" Oo, lalo na ako! Nasaktan mo pa ako, presensya mo palang.
"H-hindi naman." Pinanood ko yung bawat galaw ni Sam. Kung paano niya alalayan si Chloe, kung paano niya tignan, kung paano gumalaw yung katawan niya pag andiyan si Chloe.
Ibang iba yung kapag ako ang kasama niya and that makes me hurt even more.
Umupo siya sa tabi ko, kung saan nakaupo kanina si Sam tapos tumabi sa kaniya si Sam, bale nasa gitna namin siyang dalawa.
Natahimik kaming lahat, yung alon nalang ng tubig yung naririnig namin.Ramdam ko yung tingin sakin ni Sam pero hindi ko nalang siya tinignan pabalik kasi nasasaktan ako... Ayokong makita niyang nasasaktan ako.
"Who can play us a song tonight? Sorry guys! Hindi ako marunong mag-play nito eh, props lang. Hehe!" Tinaas niya yung gitara niyang dala
"Panira naman." Mahinang sabi ni Candy pero sapat na para marinig ko kaya siniko ko siya
"Bakit? Totoo naman eh."
"Shh ka lang." Sabi ko nalang
"Si Ircy! Diba Ircy marunong ka mag-gitara tsaka kumanta? Napanood ka namin dati sa restobar eh!" Sabi ni Engineer Alvarez
"Ha? Ako?"
"You can play pala!" Inabot sakin ni Chloe yung gitara, "Can you play us a song? Please? Pretty please?"
"Oo nga! Pakitaan mo naman kami, Ms. Hernandez!" Sabi naman nung isang babae na kanina pa nagtataray sakin
"Wag kayo, maganda boses niyan ni Ircy. Diba?" Kinindatan ako ni Engineer Alvarez
Wala na akong choice kundi tanggapin yung gitara na inabot niya sakin. Ano ba 'to, biglaan! Hindi ko alam kung anong kakantahin ko. Ang sama pa ng pakiramdam ko. Feeling ko bubuhos lahat ng sama ng pakiramdam ko ngayon.
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo."
Hindi ko alam kung bakit ito yung napili kong kanta. Ang galing, bagay na bagay para sa sitwasyon ko ngayon.
Kanina, ang saya saya ko pero bakit biglang binawi naman agad? Bakit pinagkakaitan nanaman ako? Bakit ngayon pa siya dumating? Bakit wala akong magawa?
Nakakainis lang, pinili ko maging masaya sa ganitong paraan. Minsan masaya, madalas masakit pero I'm enduring it.... for him.
"Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko. Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?"
Alam kong mali yung ginagawa ko. Alam kong masasaktan ako pero tama na yung pagiging playing safe ko. Gusto ko naman lumabas sa comfort zone ko. Gusto ko naman magmahal.
YOU ARE READING
Let Me In
RomantizmLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...
