Chapter 50- Endless goodbyes

769 27 2
                                        

Ircy Brienne Hernandez's Point of View

Dahan dahan kong hinimas yung tiyan ko habang nasa tapat ako ng lugar kung saan kami magkikita ni Khloe. Kung anong dahilan ng pagkikita namin, hindi ko alam. Kinakabahan ako sa kung ano mang sabihin niya.


Napagtanto kong ngayon lang pala ako lalaban ng magisa para saming dalawa ni Sam gayong si Sam ay halos sa araw araw na ginawa Niya ay lumalaban siya para samin.


Hindi ko maiwasang maging emosyonal, ganito siguro talaga kapag buntis.


Open space 'tong pinagkitaan namin ni Khloe kaya kahit medyo malayo ako kung nasan siya, nung natanaw niya ako ay siya na mismo ang lumapit.


Bawat hakbang niya papalapit sakin ay bawat kabog naman ng dibdib ko. May tiwala ako kay Sam, malaki ang tiwala ko sa kaniya pero parang hindi ako handa makarinig ng kahit ano lalo na pag galing kay Khloe.


Nanlaki ang mata ko at halos manlabot ang tuhod kong nang paglapit niya ay binungad niya ako ng malakas na sampal sa pisnge. Hawak hawak ang pisnge akong humarap sa kaniya at nakita kong mangiyak ngiyak ang itsura niya.


Napangisi nalang ako. Wow ah! Siya ang nanampal pero siya ang naiiyak! Wow!


"What's your problem?!" Pasigaw kong sabi pero umatras ako ng konti dahil baka kung anong gawin niya sakin at mapahamak ang anak ko, baka hindi ko siya mapatawad kung mangyari man yun

"Why are you like this, Ircy? Wèi shén me?"Lumapit siya sakin tapos hinawakan yung magkabila kong balikat at inalog-alog ako, "Do you really love Max? Do you even know how to love? To sacrifice?" Umiiyak niyang sabi


Kinakabahan ako dahil sa binibigay niyang reaction, hindi ko alam kung bakit naiiyak din ako sa sinasabi niya.


"I didn't know that you'll turn a blind eye on all of this." Naghy-hysteria niyang sabi, umiiyak parin at parang hindi makapaniwala

"W-what do you mean?" I'm trying so hard for my voice not to crack but I failed.


Kung anong reaction niya ngayon ay kabaliktaran ang akin. Tumutulo lang ang luha ko, tuloy tuloy, hindi ko alam kung paano titigil dahil hindi ko rin naman alam kung bakit ako nagkakaganito.


"I've know Max since we were kids. Alam ko kung gaano siya kaclose sa pamilya niya at kung gano niya iniingatan at minamahal iyon. Hanggang pagtanda niya ay ganun parin siya, at mas iningatan niya pa." Humihikbi siya habang nagsasalita na nakatinging diretso sakin, "lagi niya saking sinasabi noon na idol niya yung father niya. Siya yung batang lalaki na umiiwas sa disappointment ng tatay dahil gusto niya maging katulad siya nito kaya lumaki siya nang sinusunod lahat ng gusto ng father niya."


Habang nagkwe-kwento siya ay unti-unti kong nararamdaman kung anong agwat naming dalawa ni Khloe kay Sam. She probobly knows everything about Sam. Ano lang ba ang alam ko sa kaniya, ngayon lang naman kami tuluyang nagkakilala.


She's talking about Sam's family at parang alam ko na kung saan tutungo ito. Mahigpit kong hianwakan yung strap ng bag ko para mapigilan ang maingay na pagiyak pero sa totoo ay naninikip na ang dibdib ko.

Let Me InWhere stories live. Discover now