-Ircy Brienne Hernandez's Point of View-
Pabalik balik yung tingin ko dito sa listahan na pinasulat ni Sam at dito sa salon na nasa harapan ko. Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung bakit nakakakaba magpagupit!
Kasi naman, 3 years kong tiniis na walang bisita bisita sa salon tapos ngayon, ipapagupit ko nalang bigla bigla into a shorter one? Hindi pwedeng unti unti?
Actually, sa sampung pinagagawa niya, eto talaga ang pinaka mahirap gawin kasi napalitan ko naman na yung pangalan nung mokong na yun sa phone ko, dinelete ko nadin yung voice recording, binlock naman na niya ako sa social media accounts niya kaya paano ko ivvisit? Madali lang naman lahat, eto lang talaga ang pinakamahirap...
Ay joke...
Mas mahirap pala mag move on sa taong hindi naman naging kayo.
Yung tipong pinaasa ka na may chance na maging kayo tapos nung iggrab mo na yung chance na yun, biglang binawi. Bastusan lang?
"Cut my hair into shoulder length, please."
"Okay, ma'am."
Nakapikit ako habang chinichopchop at pinapatay. Joke. Pero feeling ko talaga mamamatay na ako. Oo na, OA na pero iba kasi 'to eh, buhok ko 'to eh! Pero wala na, eto na, nagupit na, maghihintay nalang ulit ako ng 3 years bago bumalik ulit sa dati.
"WAAAAAAAAAAH! BESTY! TIGNAN MO YUNG BUHOK KO! TIGNAN MO KUNG GANO KAIGSI! TIGNAN MO PAG SINUSUKLAY KO NG KAMAY KO, BITIN! WAAAAAAH!" Pagkauwi na pagkauwi ko, tinawagan ko agad si Natalie, buti nalang at sinagot niya. Wala naman daw kasi silang prof ngayon.
"Waaaaah! Bagay sayo, Ircy! Hindi ka na mukhang nalipasan ng panahon!"
"Sorry sa nalipasan ng panahon, besty ha? Ramdam na ramdam ko naman yung pagiging mukhang matanda ko dun."
"Hahaha! Sorry na, besty pero bagay talaga sayo! Buti naisipan mong magpagupit, nagmo move on ka no? Waaah! Joke lang, wala ka palang pagmo move on-an. Ako kaya? Magpagupit nadin kaya ako para makausad naman kahit kaunti."
"Anong connect ng pagpapagupit sa pagmo-move on?" Bakit ba ngayon ko lang naisipang itanong 'to kung kailan nakapag pagupit na ako?
"Pakinggan mong mabuti 'to...ehem," Umubo pa siya, "A woman who cuts her hair is about to change her life by Coco Chanel."
Tumango tango ako.
"Ahhhhh, anong meaning nun?"
"Wala lang, nakita ko lang sa twitter nung nagse-search ako ng quotes. Hehehe!"
"Hay nako, Natalie. Akala ko naman mapapagaan ng quotes mo yung loob ko sa pagpapagupit."
"Hayaan mo na yang buhok mo. Hahaba din yan paglipas ng panahon. Parang sakit din yan, habang tumatagal, nawawala."
"Ay hugot? HAHAHA!" Tumawa ako
"Anong hugot, besty? Saan huhugutin? Papahugot ka? Waaaah! Paano kita huhugutin? May butas ba 'tong screen nang hindi ko alam?" Napasapo ako ng noo.
"De sige, Natalie. Okay na, wala ka nang huhugutin, okay na talaga."
"Di nga? Baka gusto mo magpahugot? Itatanong ko sa kakambal mo kung alam niya kung pano ka hugutin. Oo tama, baka alam niya alam mo naman yun, medyo techy."

YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...