"Ah! Its good to be back!" Hinagis ko kay Cloud yung maletang dala dala ko, "Wag na magreklamo! Andiyan yung mga pasalubong niyo."
"Grabe ka samin, Ircy! Apat na taon kang nawala tapos isang maleta lang yung pasalubong mo samin! Grabe ka talaga samin!" Reklamo ni Stone
"Grabe ka talaga sakin! Ikaw diyan yung may trabaho na tapos sakin ka nanghihingi ng pasalubong!"
Inakbayan niya ako palabas ng airport at hinayaang si Cloud ang magtulak ng mga gamit ko. It is really good to be back! Its been 4 years since I came home. Wala paring pinagbago ang Pilipinas, andito padin yung mga kaibigan kong buraot.
"Asan si Kuya?" Tanong ko
"Busy sa trabaho kaya nga kami ang pinasundo niya sayo. Alam mo naman yun, depressed sa pagkawala ni Natalie."
"Hmm, I miss her too. Kailan kaya siya babalik?"
Natalie came back to where she really belongs. Bumalik na siya sa nakaraan. Hindi namin alam kung nakabalik ba talaga siya o hindi. No one knows what the consequences are pero sana lang talaga ay maayos siya. Sana natatandaan niya parin kami. Sana bumalik na siya.
"Hoy bato! Wala ka bang balak na tulungan ako dito?" Sigaw ni Cloud, "Ano ba tong dala mo ha, Ircy? Buong bahay niyo ba sa Cali dinala mo? At bakit aso lang ang bitbit mo ngayon? Try mo kayang magtulak din?"
"She's not aso LANG! Her name is Macy!" Sagot ko
"Bro, ang dami mong satsat. Sa sobrang tagal mo nang walang girlfriend, yung talak ng babae napupunta na sayo." Sagot naman ni Stone
Napatawa nalang ako at nauna nang naglakad papunta sa kotse habang sila ay walang humpay sa pagaasaran. Napailing ako. Wala parin talaga silang pinagbago.
Sa wakas ay gumraduate narin ako though not with flying colors pero I know that I made my parents proud as well as Kuya, nakita ko naman yun nung umattend sila ng graduation tsaka cho-choosy pa ba? Gumraduate na nga! Ang hirap kaya gumawa ng plates gabi gabi!
"Ano nang gagawin mo ngayon dito? Ngayon lang kami nagpaistorbo para sa pasalubong." Sinamaan ko ng tingin si Stone
"Actually, I already have a work here. May firm na nagcontact sakin just before I graduate kaya sorry guys, in demand yata tong kaibigan niyo." Pagmamalaki ko
Umakto naman silang parang nandidiri at masuka suka sa sinabi ko kaya pinaghahampas ko sila. Mga walangya! Pagkatapos kong dalhan ng mga pasalubong, ito ang makukuha ko? Where's the support!
"Aray! Aray, Ircy! Tama na!" Reklamo ni Cloud, "By the way, saan ba yang firm na yan? Di kaya nagoyo ka lang? Baka naman fake lang yan?"
"Oo nga! Parang yung sa mga text na Nasagasaan po yung anak niyo, paloadan niyo ako ng 300 para makapagreply ako agad kung saang hospital siya dinala, last load ko na 'to. Alam niyo bang nakatanggap ako ng ganiyan tapos nireplyan ko ng WALA AKONG ANAK! DI KO PA NA ANAKAN! Pangasar eh." Kwento ni Stone
Nagkatinginan kami ni Cloud at humalagpak sa tawa. Ang sama talaga ng loob niyang di pa niya na aanakan si Kristina. Madaling madali naman kasi eh ang babata pa namin pero ang katwiran niya ay pwede na daw dahil may ipapakain na siya, ang yabang porket may trabaho na! Ayaw daw tanggapin ni Kristina yung proposal niya kaya aanakan niya muna para daw wala nang angal.
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...