Chapter 26- Player

1.1K 25 9
                                    


May lunch date kami ng mga pinsan ko. Actually, hindi ko talaga sila pinsan. Pinsan pinsan-an lang. Sila yung mga anak nung mga barkada nila Mommy and Daddy noon tapos kasabay din namin silang lumaki kaya pinsan na yung turingan namin sa isa't isa.


Si Tita Mich and Tito Xavier, tatlong lalaki and isang babae. Jax, Caden and Aidan is the one of the most successful bachelors in town and Rocelle is their little princess kahit hindi naman na little. She owns her own company at kapareho kong walang love life pero mukhang siya mismo ay walang balak. 


Si Tita Charmaine and Tito Chase, si Cynthia ang one and only daughter. Unica hija. Hindi ko lang alam kung sasama siya kasi busy sila sa pagaayos ng wedding.


Si Tita Kim and Tito Kevin, dalawa yung anak. Parehong lalaki. Si Hunter yung mas matanda and graduating na tapos si Hayden naman, mas bata lang ng 1 year kay Hunter.


Si Tita Rachel and Tito Luke, may tatlong anak. Si Xian yung panganay and the bachelor of the group. Si Shaira naman yung pangalawa, 12 years old palang yun tapos yung bunso, nasa tiyan pa ni Tita. Sabi nila, babae daw yun.


Si Tita Jaime and Tito Dylan, dalawang babae naman ang anak. Si Mia and si Mio. Si Mia yung mas matanda and she's already working tapos si Mio naman ay graduating na.


Si Tita Isabella and Tito Blaze, may isang lalaking anak. Si Rufus na yata yung pinaka gwapong pinsan pinsan-an ko at pinaka successful pero pinaka maloko din.


"Kuya, alam mo ba talaga yung papunta sa resto nila Tita Kim?"

"Oo nga, dinala ko lang si Zoey dun last week."


Buti nalang at free ang karamihan sa kanila. Yung iba naman, nagleave and yung iba, siyempre sila ang may-ari ng company kaya free silang umalis kung kailan nila gusto. Hay, buti pa sila! Samantalang ako wala pang nasisimulan!


"I thought you're studying in CSU-LB?" Tanong ni Mia

"Oo nga pero pinag vacation ako ni Kuya dito for one week. Babalik na din ako dun sa Sunday."

"Oh? Ano na nga tinatake mo?" Tanong ni Rocelle

"Interior design."

"Ay maganda yan! Pag graduate mo, ikaw magdesign sa interiors ng bagong baby ko!"

"Bagong baby mo?"

"Oo! Magpapatayo ako ng branch ng company ko kaya ikaw ang kukunin kong interior designer ha!"


Yes naman may costumer na agad ako kahit wala pa nga. Malay nila, hindi ako pumasok pero katok katok sa kahoy! Mahirap na baka magkatotoo.


"Ice, sumali ka na sa Plava Boja Beach Club." Yaya ni Hunter sa kaniya

"Oo nga, ieendorse ka namin. Marunong ka naman mag-archery and you have the looks and the money, bro! Hernandez ka, you should join." Sabi ni Aidan

"Ano bang meron dun? Lagi niyo nalang ako niyayaya. Wala naman akong paki."

"Bro, it's an exclusive club for the most eligible and wealthiest men in the country! Maganda dun! The place is relaxing, the houses are by the beach and you can practice archery as well. Alam kong nagaral ka ng archery dati." Sabi pa ni Rufus

Let Me InWhere stories live. Discover now