Chapter 20- Threatened

1K 29 1
                                        

Antok na antok akong bumangon dahil sa tunog nang tunog yung phone ko.

Actually, kanina pa siya tumutunog pero hindi yata makaramdam yung tumatawag na tulog ako kaya ring padin ng ring.

"Hello?" Antok kong sagot

"Ircy! Are you awake?" Boses palang alam ko na kung sino agad yung tumatawag

"Kuya, sasagutin ko ba to kung hindi ako gising?"

"Tss."

"Bakit ka tumatawag? Alam mo namang umagang umaga dito and I told you last night na ang dami kong take home plates."

Ang sarap sa feeling na ibalitang, 2nd year na ako. Akalain niyo yun, nakarating ako ng 2nd year na may kilay pa? Grabe ang pinagdaanan ko last year. Heartbreak + plates= sabog na Ircy pero at least, ngayon, plates nalang hinaharap ko.

"I'm sorry for disturbing your sleep, Ircy." Humina yung boses niya

"Oh? Ano na yun, kuya? Ang lakas maka-konsensya ng boses mo ha!"

Tumawa siya pero agad ding nawala, "kasi ano...."

"Ano?" Para namang bakla to si Kuya. Bakit siya kinakabahan? Ano kayang nangyari dito?

"I want you to buy a ring." Ano daw? Teka?

"Ano? Ring? As in singsing? Yung sinusuot sa daliri? Para saan?!"

Sila na kasi ni Natalie, last month lang. Buti nga at binuksan pa ni Besty ulit yung puso niya after a year eh and I'm glad na kay Kuya niya ito binuksan, alam kong masaya at mapapanatag din si Rain sa itaas na si Kuya na ang nagaalaga kay Natalie ngayon.

Pero hindi ko maintindihan.... Ring? Agad agad? Wag nila sabihin na.... Oh my gosh!

"Wag mo sabihing magpapakasal na kayo ni Besty? Hindi ako papayag! Dapat ako ang maid of honour! Maawa naman kayo, sa bakasyon niyo na gawin, hindi ako pwedeng umabsent ng matagal! Sayang yung tuition ko at ang pagod ko kung uulitin ko tong sem dahil lang sa kasal niyo!"

"Wag kang OA. Promise ring... For Zoey."

"Ay cheesyness overload! Saan mo nahuhugot yang ka-chessyhan mo ha? Buti nalang talaga at nauntog ka ng malakas at hindi kayo yung nagkatuluyan nung mapagpanggap na Krizzia na yun!" Mainit talaga yung dugo ko dun sa babaeng yun! Ang daming liko na dinaanan ni kuya and Natalie dahil lang sa kaniya! Siya talaga ang puno't dulo ng lahat eh.

"Buti nalang din talaga at nauntog ka ng malakas at hindi kayo nagkatuluyan nung vocalist na yun. Anong pangalan nun? Drox ba?" Kaasar! Kaka ganti ko lang sa kaniya, may bawi na agad siya!

"Back to the topic, anong singsing ang pinabibili mo? At anong ipambibili ko? At anong itsura? At pano ko ibibigay sayo? Give me the full details!" Pagiiba ko.

Ayaw ko na kasing pinaguusapan yun. Siguro kasi nakakahiya? Nakakahiya kasi naiwan ako? O baka siguro di pa ako talaga okay, maybe I just need a good closure.

"I'll send you the pictures and please do me a flavor."

"What? Flavor? May singsing na ba ngayon na may flavor? Nakakain? Baka cheese rings lang gusto mo?"

"Ircy, I said, favor. Not flavor."

"Ah!! Favor? Anong favor?" Sorry naman! Kagigising ko lang, di pa masyado nagfu-function yung mga body parts ko!

"Don't call or don't answer Zoey's calls."

"At bakit?" Pinagseselosan ba ako nitong kakambal ko?!

Let Me InWhere stories live. Discover now