"Ircy, wala ka bang balita kay Max?" Nilapitan ako ni Engr. Arenaz
Huminga ako ng malalim tsaka tumingin sa kaniya.
"Wala nga eh." Sagot ko
"Tsk! Saan naman kaya nagpupunta yun nang walang paalam? Nakakalimutan na niya yata na may hawak siyang firm." Iling iling pang sabi nito
"B-balik din naman siguro siya agad."
"Siguraduhin lang niya. Isang linggo na siyang nawawala." Tsaka siya umalis
Huminga ulit ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga nagtatanong sakin kung asan siya kasi mismong ako eh hindi naman alam.
Pagkatapos nung nangyari sakanila nung nakaraang linggo, nung may sakit siya, ay bigla nalang siyang nawala.
Sam, asan ka ba? Bakit ba pinagaalala mo ako ng ganito?
Kahit sa bahay nila ay hindi alam kung nasan siya. Pati sila Engr. Alvarez tsaka si Sky hindi rin alam kung nasan siya. Wala rin naman siyang nasabi sakin na aalis siya. Missing in action naman eh!
Nakakainis! Gusto ko talagang mainis pero di ko tuluyang magawa kasi hindi ko naman alam yung nararamdaman niya. Alam kong malungkot siya. Yun lang. Dahil lagi nalang yung nararamdaman ko yung iniisip niya kaya hindi man lang niya magawang sabihin sakin kung ano ang kaniya.
To: Pinakagwapong manok
Sam, nasan ka na ba? Tumawag ka naman oh? O kahit magtext ka man lang. Sabihin mo man lang kung nasaan ka. Kung okay ka ba. Wag naman ganito, wag mo naman akong pag-alalahin. I love you.
SEND
Bumuntong hininga ulit ako.
Ang hirap pala nang hindi siya nakikita. Nakakapanghina. Pakiramdam ko tuloy ngayon magisa akong lumalaban.
Inabala ko yung sarili ko sa ginagawa kong design para sa project ni Engr. Alvarez. Minsan nakakalimutan ko pero madalas siya parin naiisip ko.
Bakit naman kasi bigla siyang nawawala! Nami-miss ko na siya!
Tumunog yung phone ko kaya dali dali ko namang kinuha yun.
From: Twin Ice
Don't forget our house blessing later.
Oo nga pala, house blessing na ng bahay nila Kuya mamaya. Hays, buti pa si Kuya lalagay na sa katahimikan.
Samantalang ako, ang gulo gulo ng buhay ko.
Ikakasal na si Kuya a year from now. Grabehan kasi ang preparation kaya matagal-tagal. Naeexcite na nga ako sa kasal nila eh.
Ako kaya? Kailan kaya ako maeexcite sa sarili kong kasal?
Ano ba, Ircy! Hanapin mo muna yung papakasalan mong nawawala bago mo isipin yang kasal kasal na yan!
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...