Halos limang buwan na namin ginagawa ni Sam yung bahay ni Kuya. Yes, kinuha niya na ulit yung project na yun. Dati kasi, binigay niya kay Engineer Arenaz kasi daw baka hindi ako makapagtrabaho ng maayos kapag kasama ko siya. Edi wow! Hahaha! Pero ngayong ayos na kami, kinuha niya na ulit.
"Sinong ititira ni Ice dito kapag nagawa ka? Hindi pa siya kasal diba?" Tanong ni Sam
"Nagpla-plano na sila for the wedding pero wala pa namang exact date."
"Mas maganda siguro kung glass wall yung dito sa may hagdan, what do you think?" Tumingin siya sakin, inalalayan niya ako paakyat kasi medyo hindi pa ayos.
"Maganda naman kaso private person kasi si Kuya, mas okay siguro na hindi nalang."
"Alright."
Ang gwapo talaga ni Sam sa tuwing ganito siya. Yung seryoso siya sa trabaho. Hindi ko nalang mapigilan na mapatitig sa kaniya, minsan nga nags-space out ako kakatitig sa kaniya habang kausap niya ako.
Ayos naman kami ni Sam sa loob ng 5 months at nililigawan niya parin ako hanggang ngayon, kumukuha lang ako ng right timing para sagutin siya. He's not that kind of guy who throw big surprises for me but I can see his little efforts which I really appreciate. Yung tipong araw araw niyang paghatid sundo sakin sa bahay, yung mga pagalalay niya, kung pano niya ako alagaan, yung mga ganun. Hindi ko naman kasi kailangan ng surprise na akala mo laging birthday ko.
Umakyat kami sa 2nd floor ng bahay para icheck yung rooms. Malaki yung bahay ni Kuya tapos tabing dagat pa at syempre, maganda! Kami yata ang gumawa nito.
"One for the master's bedroom, the biggest room. May walk in closet, right?" Sabi ni Sam
"Right."
"One for the piano room na katabi ng master's bedroom, may grand piano sa loob?"
"Right."
"One room for their children, wala munang laman. Same with the guest room?"
"Right." Natawa ako bigla, sobrang seryoso niya kasi
"May 4 rooms dito sa taas, excluding the comfort rooms. Sa baba naman 1 room for Ice's office? Excluding the comfort rooms."
"Right!" Sagot ko pa ulit
"Hindi ko talaga alam kung paano ako naging secretary nito, ang alam ko interior designer ako eh." Bulong ko
Tsk! Ayaw niya kasi magsama ng iba. Gusto niya kaming dalawa lang pupunta dito kasi bibigat daw yung kotse, sus! Kaya eto ako, secretary slash interior designer.
Okay lang, mas maganda naman ako dun sa secretary niya. Bwahaha!
"Kailan kaya matatapos 'tong bahay no?" Tanong ko
"In 3 to 4 months siguro. Marami pa kasing pinapadagdag si Ice tsaka hindi sila magkasundo ni Ms. Ramil sa gusto nila kaya pag meeting, nagtatalo muna sila sa harap ko." Pareho kaming natawa sa kwento niya
"Ganun talaga sila. Kahit nung highschool palang kami, lagi silang nagtatalo. Si Kuya kasi sobrang sungit tapos si Natalie naman sobrang kulit kaya parang North and South sila."
Naglakad lakad kami sa tabing dagat, ang sarap at ang lamig ng simoy ng hangin. Pagabi narin kasi kaya medyo malamig na talaga. Dati kasi resort 'to pero simula nung kinasal si Mommy at Daddy, ginawa na nilang private property kaya walang tao dito kundi kami lang tsaka yung workers ng bahay.
YOU ARE READING
Let Me In
RomanceLet Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a C...
