Chapter 39- Melted Ice

1K 37 2
                                    

Masama parin ang loob ko sa nalaman ko... BAKIT WALA AKONG GANUNG KWINTAS? HERNANDEZ AKO AH!


Pero dahil may aatupagin ako, bukas ko nalang hihilingin yang utang ni Daddy sakin. Hindi maaring wala akong ganun!


Gaya ng plano ni Besty, ginawan ko na agad ng paraan. Bukas na din kasi agad 'to kaya minabuti ko nang gawin ngayon.


Umalis ako ng maaga dun sa venue, siyempre hindi ako nagpahalata sakanila. Kunwari kumakain lang ako ng kumakain dun, hindi nila alam wala na pala ako dun except kay Cloud na kung sakaling hanapin nila ako, siya na ang bahala magpalusot.


Tuwang tuwa ako nang malaman ko yung dahilan kung bakit nagsusungit si Mommy pero siyempre hindi ko yung sasabihin sainyo kung bakit. Basahin niyo yung special chapter nila para malaman niyo kung bakit. Wahaha!


(Shameless plug, sorry! Hahaha! Read A Rose between Two Thorns' Special Chapter to know the reason why.)


Pumunta ako ng EKWCC, yung charity na matagal nang pinapatakbo ng family namin. Madalas din kaming pumunta ng Seenzone dati dito para makipaglaro dun sa mga bata.


Naawa nga ako tuwing nakikita ko sila kasi batang bata pa sila tapos binigyan na sila ng sakit na hindi man lang nila alam kung papaano lunasan. Ni wala nga silang ginawang kasalanan para bigyan ng ganitong kabigat na sakit pero siguro ganun talaga.


"Oh, Ircy? Buti napadalaw ka? Matagal tagal ka nang di nakakadalaw dito ha?" Bungad sakin ni Tita Eilish

"Medyo naging busy po kasi eh tsaka kakabalik ko lang po galing states." Ngumiti ako

"Gabi na, sayang hindi mo naabutan yung mga bata. Sana bukas ka nalang pumunta para sana nakalaro mo sila, tulog na kasi sila eh."

"Ah Tita Eilish, ang totoo po niyan, may favor po sana kasi akong gusto hilingin."

"Ano iyon, iha?"

"Yung piano teacher po nila, yung hinire ni Kuya dati? Pwede po bang makausap yun?" Oo, naghire si Kuya ng piano teacher dito para daw matuto yung mga bata na tumugtog ng piano.

"Iha, isang buwan nang wala yung piano teacher nila. Pumunta na daw sa probinsya nila. Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya?"

"Ay ganun po ba? Tamang tama po pala!" Nakakatuwa naman! At least swak na swak yung plano ni Besty!


Inexplain ko kay Tita Eilish yung mangyayari bukas. Yung plano ni Natalie. Tuwang tuwa naman daw siya kasi makikita na daw ulit niya si Kuya na masaya tsaka makikita niya na daw ulit si Natalie. So I guess dinala na nga siya ni Kuya dito dati?


Tinawagan agad ni Tita Eilish si Kuya para sabihing may nakuha na ulit siyang piano teacher kunwari pero siyempre si Natalie talaga yun.


"Ice, iho! May nakuha na ulit akong piano teacher. Dadating siya bukas, pwede mo bang tignan kung okay?" Halatang excited na excited si Tita Eilish, mukhang kinikilig pa. Natawa tuloy ako.

"Ha? Hindi pwede! Icancel mo muna yang meeting mo, iho! Kailangan ka dito bukas. Diba ikaw ang may gusto na may piano teacher sila? Kaya kailangan ikaw ang tumingin."

Let Me InWhere stories live. Discover now