Prologue

346 11 1
                                    

"Lara? Handa ka na ba? Aalis na tayo."

Lumingon ako nang marinig ang pagkatok ni mama sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si mama na kaagad ngumiti nang makita ako.

"Handa na ba ang gamit mo, anak?" Lumingon ako sa kwarto ko na halos wala nang laman. Ang mga damit ko mula sa cabinet ay naka-empake na rin sa isang malaking bag. Ang ilang gamit ko katulad ng cellphone, wallet, IDs at mga kailangan ay nasa backpack ko na nakapatong sa kama.

Huminga ako nang malalim at lumingon kay mama. "Handa na po. Ngayon na po ba tayo aalis?" tanong ko.

"Oo, anak. Lumabas ka na, ha? Tatawagin ko ang papa mo para maibaba 'yang malaking bag," sabi ni mama. Nauna na siyang lumabas sa bahay namin at natanaw kong nakikipag-usap siya kay papa. Lumingon silang dalawa sa akin bago lumapit si papa.

"Labas ka na do'n, 'nak. Kukunin ko na ang gamit mo tapos, babyahe na tayo," sabi ni papa at hinaplos amg buhok ko bago pumunta sa kwarto ko. Sumunod ako at dinala ang backpack ko saka lumabas ng bahay.

Nakalagay na sa likod ng truck ang mga gamit namin. Habang nakatingin doon ay nakaramdam ako ng emosyon. Napalingon ako sa bahay namin na iiwan na namin. Maliit lang ang bahay namin pero, maraming masayang ala-ala ang nabuo. Kahit tatlo lang kami ng mga magulang ko ay naging kuntento kami sa simple at masayang buhay.

Ngayon ay kailangan naming umalis dahil natanggap si papa sa isang trabaho sa Laguna. Isang magandang oportunidad ang bagong trabaho ni papa doon at gusto niya kaming isama para raw hindi kami mahirapan ni mama kung maiwan kaming dalawa dito.

"Anak, gusto mo bang pagdating natin doon ay i-enroll ka na namin agad o sa ibang araw na lang?" tanong ni mama habang nasa byahe na kami patungong Laguna.

Nagsimula na ang enrollment sa mga paaralan. Nakapili na rin ako ng paaralan na papasukan. Public school ang papasukan ko dahil maliban sa sanay ako do'n, maayos ang pamamalakad ng paaralan at maraming nauwing parangal ang mga estudyante na nag-aaral doon.

"P'wede naman pong pagdating natin doon ay dumiretso na po tayo sa paaralang 'yon para po sa mga susunod na araw, pag-aayos na lang ng gamit ang aasikasuhin natin," sagot ko. Nakita ko ang paglingon sa amin ni papa.

"Ayos lang ba sa iyo ito, anak? Hindi ka ba mahihirapan?" halata ang pag-aalala sa mata ni papa kaya nginitian ko siya.

"Papa, ayos lang po ito sa akin. Tama naman po kayo, baka mahirapan kami kapag po naiwan kami dito. Hindi ka po namin makakasama nang matagal na panahon kung magpapaiwan po kami kaya, ayos na po sa akin itong paglipat natin," sagot ko at ngumiti kay mama na nasa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang buhok ko.

"Hindi ka ba nalulungkot? Naiwan mo ang mga kaibigan mo," sabi ni mama pero, imbis na mapangiti ay napasimangot ako.

"Hindi na po kami magkakaibigan, wala po akong naging kaibigan doon..." sabi ko. Kumunot ang noo ng mga magulang ko. Napakagat labi ako nang mapagtanto na kailangan ko nang sabihin sa kanila. Wala naman talaga akong maitatago sa mama at papa ko.

"May problema? Bakit hindi mo sinasabi sa amin ng mama mo?" marahang tanong ni papa.

Napayuko ako at napatingin sa labas. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Hindi po nila ako tinuring na kaibigan. Lumalapit lang po sila sa akin para may easy access sila sa mga sagot sa mga exams namin. Mabait lang po sila sa akin kapag nagbibigay ako ng sagot sa kanila," pag-amin ko. Nanatiling tahimik ang mga magulang ko.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon