28.

97 6 0
                                        

Buong bakasyon ay magkasama kami ni Leisarus. Sinulit namin ang mga araw na walang pasok at itinuring namin na month of rest ang isang buwang bakasyon. Sarus would visit our house and he would bring flowers and foods. Everytime he'll visit, we would end up getting teased by my parents. Wala naman nagrereklamo sa amin dahil pareho kaming tuwang-tuwa.

Minsan naman ay ako ang nasa bahay nila. Kapag naroon ako, nasa kwarto niya kami lagi at nanonood ng paborito naming panoorin na dramas. He would always let me choose the drama we're going to watch and every drama I picked, he would enjoy it. I feel special everytime he would appreciate and enjoy my choices.

Sarus never failed to make me feel special.

"Paubos na itong pagkain, kukuha lang ako sa kusina. Hintayin mo ako, hm?" Tumayo si Leisarus dala ang container na pinaglalagyan ng pagkain namin. Paglabas niya ng kwarto, napasandal ako sa kama niya at inilibot ko ang tingin sa paligid.

Maraming beses na akong nakapunta sa kwarto niya pero, nakukuha pa rin ng mga litratong nakasabit sa pader ang atensyon ko.

"Nadagdagan," sabi ko nang mapansin ang isang side kung saan nakadikit ang mga litrato namin ni Leisarus tuwing may mahalagang okasyon. Mula Grade 10 ay may litrato kami at ang pinakabago ay ang litrato namin noong recognition day. Napangiti ako at hinaplos ang salamin na humaharang sa mga litrato para hindi maalikabukan.

"More photos and memories with you," bulong ko. Nagtingin-tingin pa ako ng mga litrato niya. Muli kong napansin ang picture ni Sarus no'ng baby pa siya. Hindi pa rin ako nagsasawang tingnan 'yon kahit ilang beses ko nang makita.

"Lara cutie ko, ito na! Resume na natin 'yang pinapanood natin," sabi ni Sarus pagpasok niya ng kwarto. Nang mapansin niya akong nasa tapat ng drawer kung saan nakapatong ang frames niya ay napangisi siya.

"Gwapong-gwapo ka talaga sa akin, 'no? Tinititigan mo na naman 'yang mga pictures ko." Inilapag niya sa maliit na mesa ang dala bago siya lumapit sa akin. Halos napatili ako nang yakapin niya ako habang nasa likod ko siya.

I felt his warmth on my back, his chin on my shoulders and his soft locks on my ears. Ang kamay niya ay nakayakap sa bewang ko at pareho lang kaming tahimik.

"Bakit 'yang mga pictures ko pa ang tinititigan mo kung p'wede ka namang tumitig sa akin nang harapan?" bulong niya bago mahinang natawa.

"Ang cute mo kasi sa pictures. Bata ka pa dito oh," sagot ko naman sa kaniya.

"Ibig sabihin, hindi ako cute ngayon?" biglang tanong niya. Hindi ko napigilan ang pagtawa at pagharap sa kaniya. Nanatili ang braso niyang nakayakap sa bewang ko kahit humarap na ako sa kaniya. Ang mga mata niya ay agad dumako sa akin at damang-dama ko ang init sa pisngi ko dahil sa lapit namin.

I softly pinched his cheeks. "Hindi ka na lang cute ngayon, gwapo ka na rin. Dangerous mixture," sabi ko baka madramang napailing. I chuckled after that and looked up to meet his gaze but, I caught his eyes admiring me.

His soft eyes that never failed to melt my heart. 'Yong lambing sa mga mata niya na laging nagpaparamdam sa akin na espesyal ako para sa kaniya. Isa sa tanawing pinakagusto kong titigan. Hinding-hindi ako magsasawa.

Napapikit ako nang patakan niya ng halik ang noo ko. Nagtagal ang labi niya roon at unti-unti ay naramdaman ko ang paggalaw ng katawan namin. His lips left my forehead with a soft 'chu' then, he lowered his head to stare at my eyes.

"Hindi tayo sumali no'ng Gala Night kaya, dito na lang tayo magsasayaw," aniya bago bumitaw sa akin. Tumungo siya sa laptop na kanina ay pinapanooran namin. I saw how he typed and searched for something.

A seconds later, a soft melody surrounds his room. Lumingon sa akin si Sarus at tumayo bago siya naglakad palapit. I was staring at his eyes while he walks toward me with a charming smile.

"May I have this dance with you?" his voice became deep when he asked that. Bahagya pa siyang yumuko na animo'y prinsipe. My heart thumps at the gesture and I didn't hesitate to place my hand on his.

Ang dapat na panonood namin ng drama ay nauwi sa marahang pagsayaw sa kwarto niya. Hindi ako nagreklamo dahil gustong-gusto ko ang pakiramdam na sumasayaw habang nakatitig sa mga mata ni Leisarus.

Walang nagsalita sa amin pero, hindi mapawi ang ngiti sa labi naming dalawa. Patuloy ang pagtugtog ng marahang musika hanggang sa natapos ito.

"A dance with a beautiful woman like you is such a ple—" naputol ang pagsasalita niya nang biglang tumunog sa speaker niya na nakakonekta sa laptop ang hype na tugtog mula sa isang boy group.

Nagkatinginan kami at ilang sandali pa, pareho na kaming parang baliw na sumasayaw. Nabasag ang magiging marahan at mahinhin namin sa pagsayaw, ngayon ay halos magwala kaming dalawa pero kahit gano'n, pareho kaming may ngiti sa labi. Pareho naming ine-enjoy ang bawat sitwasyon.

Masaya ako sa kahit na anong sitwasyon... basta, si Sarus ang kasama ko.

Dumaan pa ang ilang araw at talagang sinulit namin ang isang buwan na bakasyon. I spent time with my family and Sarus. Halos hindi kami mapaghiwalay buong bakasyon at sa bawat araw na magkasama kami, bawat segundo, nararamdaman kong mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Cliché pakinggan pero, bawat araw na lumilipas ay nahuhulog ako kay Sarus.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ulit ang pasukan. Balik kami sa dating gawi na sabay papasok at sabay uuwi. Ngayon ay iba na ang schedule namin kumpara noong Grade 11. Apat na araw na ang pasok namin pero, half-day lang.

Naging mahirap ang Grade 12 para sa akin pero, dahil may mga taong nakaalalay sa akin at handang tumulong, kinaya ko lahat. Nandiyan si Leisarus para damayan ako dahil pareho kaming naghihirap para maka-graduate.

Sabay kaming mag-aaral para sa exams, gagawa ng mga projects namin, magpa-participate sa activities, lahat 'yon ginawa namin. Hindi naging mahirap 'yon dahil magkaklase na kami ngayong taon.

May mga pagkakataong gusto ko na lang na umiyak dahil sunod-sunod ang bagsak ng gawain. Gusto kong magreklamo dahil halos wala na akong tulog dahil sa pagtapos ko ng schoolworks. Gusto kong matulog na lang pero, hindi p'wede. Napagdaanan ko na 'yon no'ng Grade 11 pero, mas malala ngayon.

"Are you tired? Uwi na tayo, bukas mo na tapusin 'yan," Sarus keeps on asking me to go home. Kanina pa papikit-pikit ang mata ko. Nakailang hikab na rin ako pero, ayaw ko pang umuwi.

Kailangan ko pang maghanap ng book source kaya kami nandito sa public library sa bayan. Si Sarus ay nagpumilit na samahan ako kahit alam kong marami rin siyang gagawin.

"Bakit hindi ka pa umuwi kanina? Ang dami mo ring pendings," sabi ko at isinara ang librong binabasa ko. Gustong-gusto ko nang ibagsak ang katawan ko sa kama at matulog nang mahabang-mahabang oras.

"Hindi kita p'wedeng iwan dito. Ayaw kong iwan ka. 'Wag kang mag-alala, kaunti na lang 'yong pendings ko. Hindi mo napapansin pero, gumagawa rin ako kanina habang naghahanap ka ng mga libro," sabi niya bago ako hinila para sumandal sa balikat niya. Napapikit ako at naramdaman ang paghawi niya ng buhok ko na nakaharang sa mata ko.

"Uwi na tayo, matutulog ka na. P'wede pang ipagpabukas 'yang paghahanap mo. Sasamahan ulit kita bukas," sabi niya. Hindi na ako umangal pa dahil gusto na rin naman ng katawan kong matulog na.

Halos si Sarus ang nagligpit ng mga librong hiniram ko. Siya na rin ang nagbalik ng notebook at ballpen ko sa dala kong bag. Siya na rin ang nagbitbit ng bag ko. Nang matapos siya sa pagligpit ng gamit ko, humawak siya sa balikat ko at inalalayan akong tumayo. Ang bigat na ng talukap ng mata ko at kaunti na lang ay tuluyan na akong makakatulog.

Sinubukan kong gumising lalo nang pasakay kami ng jeep. Ayaw kong pahirapan si Leisarus kaya mabilis akong sumakay at agad siyang sumunod. Pagtabi pa lang niya ay humawak na siya kaagad sa kamay ko bago nagbayad sa driver.

Habang naghihintay na mapuno ang jeep, sumandal ako kay Sarus. Hawak niya ang kamay ko habang ang isa ay nasa balikat ko. Panay pa rin ang hikab ko na mukhang pansin ni Sarus.

"Sige na, tulog ka muna," bulong niya bago humalik sa noo ko.

"Sleep well, Lara. Dream of us together," huling narinig ko bago ako tuluyang makatulog.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon