38.

72 2 0
                                    

I woke up with a heavy head. Napakusot ako sa mata at napatigil nang maramdaman ang kung ano sa noo ko. Kinuha ko 'yon at agad akong nagtaka nang makitang isa 'yong bimpo. Bumangon ako at napansin na nasa kwarto pa rin ako ni Sarus. Nilingon ko ang orasan at nakitang alas-singko pa lang ng umaga.

I roam my sight around and stopped when I spotted Sarus sleeping. He's sitting on his wheelchair and sleeping. Nakasandal siya at nakatingala sa pagtulog.

Hindi kaya sumakit ang leeg niya paggising?

As I tried to stand up, I noticed the floor. Medyo basa 'yon kaya nagtaka ako. Mula sa banyo ay may tulo ng tubig hanggang sa sundan ko 'yon at napatingin ako sa may paanan ni Sarus kung nasaan ang isang planggana na may lamang tubig.

My eyes darted to that and to ths towel I'm holding. My heart immediately reacted with the thought of Sarus taking care of me. Hindi napigilan nag pagngiti ko bago ako lumapit sa kaniya at nilagyan ng unan ang sandalan niya. I want to transfer him to the bed but, I'm afraid that he would wake up.

Nilinis ko ang mga basa sa sahig at niligpit ang planggana. Matapos no'n ay nag-ayos ako ng sarili ko.

"Suot ko pa rin pala itong uniform ko," sabi ko nang mapansin ang itsura ko sa salamin. Nang ma-satisfy ako sa itsura ko, lumabas ako ng banyo at nagtungo sa labas ng kwarto ni Sarus.

I walked down the stairs and went straight to their kitchen. Nagtaka ako dahil mukhang walang tao sa bahay hanggang sa mapansin ko ang nakadikit sa pinto ng refrigerator nila.

Lara, 'nak! Nagyaya ng jogging ang magaling na tatay ni Sarus, hindi ako nakaluto ng almusal niyo ni Sarus. Pasensya na. Kapag nauna kang nagising, pakialaman mo na ang kusina. Babalik kami bago mag-alas syete.

I chuckled before mentally noting Tita Sheen's message before I proceeded to cook breakfast. Nagluto ako ng sinangag at nagprito ng tuyo at itlog at ilang piraso ng hotdog. Matapos magluto, nagtimpla ako ng kape para sa akin at kay Sarus. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagkalampag ng kung ano mula sa taas.

Agad akong napatakbo at nakitang bukas ang pinto ng kwarto at si Sarus ay nasa labas, diretso ang tingin sa akin. Nakita ko ang paghinga niya nang malalim bago umiwas ng tingin at akmang tatalikod nang magsalita ako.

"Nagluto ako ng almusal," sabi ko. Kumunot ang noo niya at muling bumalik ang tingin sa akin.

"May sakit ka, 'di ba?"

"Wala na, ayos na ako," sagot ko bago ngumiti at lumapit sa kaniya. "Inalagaan mo ba ako kagabi?" tanong ko nang huminto ako sa harapan niya.

"Luh, hindi ah," aniya bago umiwas ng tingin. Napangisi ako at mabilis na humalik sa pisngi niya.

"May ebidensya akong nakita kaya 'wag ka nang tumanggi," sabi ko. Hindi niya ako inimik kaya muli akong nagsalita. "Gusto mong bumaba na para mag-almusal o matutulog ka pa?"

Sarus looked at me before he cleared his throat. "Aalis ka na?" I froze at his question. He immediately avoided my gaze. "Gusto kong mag-almusal na," aniya kaya napatango sko at mabagal na naglakad para maitulak ang wheelchair niya.

Pagdating sa tapat ng hagdan, napabuntonghininga ako. Bakit nakalimutan kong may hagdan nga pala?

I almost panic when Sarus tried to stand up. Agad akong napahawak sa braso niya.

"Anong ginagawa mo?"

Kumunot ang noo niya. "Tumatayo?" he confusingly asked.

"Alam ko pero, bakit ka tumatayo? Baka mahulog ka!" sabi ko at tinuro ang hagdan na ilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan namin.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon