32.

77 5 0
                                    

"B-bakit?!" Sarus screamed and that's where I ran towards him. Agad ko siyang niyakap at sa kabila ng kaba, naramdaman ko ang kaunting saya sa puso ko.

Gising na si Sarus.

"L-lara... bakit hindi ko maramdaman ang mga binti ko?" I heard him whispered. Napawi ang kasiyahan ko nang marinig kung gaano kabasag ang boses niya. Lumayo ako at tinitigan ang mga mata niyang punong-puno na rin ng luha.

Sarus stared at me with confusion, searching for answers in my eyes but, all I did is to kiss him. Hindi ko alam kung tamang oras ba ito para gawin ito pero, gusto kong halikan siya at iparamdam sa kaniya na hinding-hindi ko siya iiwan. Hinding-hindi ko siya susukuan.

I pulled away and caress his cheeks. Tito Victorious softly tapped my shoulder so, I looked up. Ngumiti si Tito Victorious nang bahagya bago sinenyas si Sarus. Agad kong naintindihan ang nais niyang iparating kaya bumitaw muna ako kay Sarus at hinayaan si Tito Victorious na kausapin siya.

"P're..." bati ni Tito Victorious habang may maliit na ngiti sa labi niya. "Tingnan mo itsura mo, parang ganiyan ka rin no'ng bata ka. Laging may sugat kasi laging nadadapa," sabi ni Tito. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagpiyok niya sa huling sinabi niya.

"'Di ba, ako ang nagbubuhat sa 'yo no'ng bata ka pa kapag nadadapa ka?" Tito Victorious' soft voice feels like he's talking to the younger version of Leisarus. Nakatitig si Sarus sa kaniya at tahimik lang hanggang sa gumalaw si Tito Victorious at tumalikod sa kaniya.

"Piggy back ride? Ganito 'yong gusto mo no'n, tama?  Kapag nadadapa ka, bubuhatin kita nang ganito tapos, aakto kang lumilipad para kunwari superhero ka... 'di ba?" I heard Tita Sheen sobbing while listening to Tito Victorious' and Leisarus' conversation.

"Papa, diretsuhin niyo na ako... s-sabibin niyo na kung anong mali," Leisarus' pleading voice surrounds the room.

Nagpahid ng luha si Tito bago siya ngumiti. "Sakay ka muna sa likod ko," aniya. Sarus stared at his father's back and his tears started to fall uncontrollably. Napatakip ako ng bibig nang marinig ang paghikbi ni Sarus.

He started crying as soon as he realized what happened to him. He started sobbing loudly as he sat there on the floor.

Mabilis kumilos si Tita Sheen. Inalalayan niya si Sarus para makasakay sa likod ni Tito Victorious. Tito immediately held Sarus' thighs and he stood up, slowly before making Sarus sit on the bed. Patuloy sa paghagulhol si Leisarus at agad siyang niyakap ng mga magulang niya.

Seeing Sarus broke in tears really broke my heart. He would always smile in front of me, he would always lightened up my day, he would always make me smile and seeing him crying right now made me promise something to myself.

Mas maraming efforts si Leisarus na ginawa para sa akin sa nagdaang taon ng relasyon namin. Lagi niyang pinapalakas ang loob ko, lagi niya akong sinasamahan, lagi niya akong hinahayaang umiyak sa balikat niya kapag mabigat na ang lahat at ngayon, siya naman. Siya naman ang hahayaan kong sumandal sa akin. Ako naman ngayon ang mag-aalaga sa kaniya. Ako ang aalalay sa kaniya. Ako ang magsisilbing paa niya sa tuwing susubukan niyang maglakad.

"Hindi na ako... m-makakalakad?" he asked after Tito Victorious explained to him what happened. He stared at his numb legs and sobbed before looking up to me.

"L-lara... hindi ako makalakad," he told me. Tumayo ako para lapitan siya. "Hindi na ako makakalakad, hindi na kita... hindi na kita masasamahan kapag gusto mong kumain sa gabi. Hindi na tayo makakapag-date kapag anniversary natin. Hindi na kita mabubuhat kapag napapagod ka. Hindi—"

"Leisarus," I called his name. He immediately stopped speaking. "Makinig ka sa akin, hm?" I held both of his cheeks. Nakaupo siya sa kama niya, ang mga binti ay nakasayad sa sahig habang ako ay nakatayo sa harapan niya.

"Walang problema sa akin kung hindi mo ako masasamahang lumabas tuwing gabi para kumain. Walang problema sa akin kung... kung hindi tayo makakapag-date. Walang problema kung hindi mo na ako mabubuhat kapag nakatulog ako. Sarus, walang problema sa akin 'yon," sabi ko sa kaniya.

"Ang mahalaga sa akin, ligtas ka. Nandito ka sa harapan ko at nayayakap ko. Ang mahalaga... nagising ka..." I sobbed. Napayuko si Sarus at napayakap sa akin. "Hinding-hindi kita iiwan dahil dito. Hinding-hindi kita susukuan, Sarus."

Sarus held me tightly. Sa oras na 'yon, hinayaan niya ang sarili niyang maglabas ng sakit. Umiyak siya sa balikat ko habang mahigpit ang yakap sa akin. Nanatili akong nakikinig sa mga iyak niya at nakahawak sa kaniya.

Kalagitnaan ng gabi, naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko. Napamulat ako at kaagad lumingon kau Sarus na katabi ko. His parents left earlier with Ate Vanessa. Babalik daw sila kaagad bukas ng umaga para bumisita. Naiwan akong kasama si Sarus dito at tinabihan ko siya sa pagtulog.

"Sarus," I called him when I heard him silently crying. He's trying to stop his sobs but, it's still reaching my ears. Agad akong tumagilid para yakapin siya.

I hugged him tight and kiss his forehead. Alam kong mabigat ang kalooban niya ngayon at kahit gaano siya katagal umiyak, hindi ako aalis. Mananatili akong nakayakap sa kaniya.

"S-sorry, love..." he whispered to me.

"Hmm? Bakit ka nagso-sorry?"

Sarus hiccuped as he pulled away. Hinawi niya ang luha niya bago siya tumitig sa akin. "Sorry if I'm crying right now. Sorry kung nagising kita sa pag-iyak ko. It's just... it's so hard for me to accept," he sighed heavily. "Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sa 'yo dahil, alam ko na sa mga... sa mga darating na araw, magiging pabigat na ako sa 'yo—"

"Hey, hey, stop saying that. Hinding-hindi ka magiging pabigat. Huwag ka ring hihingi ng tawad dahil sa pag-iyak mo. I totally understand," I scooted closer to him and cupped his cheeks. "As your girlfriend and as the woman who loves you so much, I'm willing to take care of you. Hinding-hindi ka magiging pabigat sa akin, okay?" I whispered. Sarus' eyes softened. I felt his arm on my waist, pulling me more closer to him.

"Will you... catch me when I fall?" he asked.

I shut my eyes before planting a kiss on his lips. "I will catch you when you fall, Leisarus. I will always will."

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon