30.

82 1 0
                                    

Having a boyfriend like Leisarus Vincent is always a blessing. My days are always happy because of him. A smile is always in my face whenever he's with me. Siya ang unang boyfriend ko at aaminin ko, natatakot ako sa mga posibleng mangyari pero, pinapawi ko kaagad. Hindi ako dapat mag-isip ng negatibo dahil alam kong mahal ako ni Sarus.

We both graduated from Grade 12. Panibagong tagumpay na magkasama kami. Panibagong memorya na magkasama kaming dalawa. Sarus and I graduated with honors and bout our parents are happy for us. Maging si Joven ay binati kami nang mabalitaan niyang graduate na kami.

We're now in our college. Sarus is taking Law while, I'm taking an Educ course. Ano pa bang aasahan sa amin ni Sarus? Siyempre, sa iissng school ulit kami pumasok. Magkahiwalay ang building pero, humahanap pa rin kami ng paraan para magkita sa araw-araw.

Mahirap ang kolehiyo pero, hindi ko susukuan. Palaging pinapaalala sa akin ng mga magulang ko kung bakit ako nasa sitwasyon na 'yon.

"Nahihirapan ka dahil parte 'yan ng buhay. Hindi ka magtatagumpay kung hindi ka maghihirap, 'nak," my mother once told me.

Ilang beses akong umiyak dahil sa hirap at pagod sa kolehiyo pero, laging nakayakap sa akin si Sarus na alam kong pagod din sa kurso niya. Pareho kaming pagod pero, kailanman ay hindi namin sinukuan ang gusto namin.

Magiging lawyer si Sarus at magiging teacher ako.

It was another exhausted day. Naglakad ako patungo sa building nina Sarus. Hindi pa sila lumalabas kaya sa tingin ko ay overtime na naman ang professor nila.

Naupo ako sa bench sa labas ng building nila at pumikit. I have to do many paperworks when I go home.

"Tired?" Ilang segundo pa lang akong nakapikit at nakaupo roon nang marinig ko na ang boses ng boyfriend ko. Nagmulat ako at nakitang nakatayo sa harapan ko si Leisarus.

Agad akong napangiti. "Hi, tapos na pala ang klase mo," sabi ko at umayos ng upo. Naupo siya sa tabi ko at humalik sa pisngi ko.

"Yes, kakatapos lang. Kanina ka pa ba maghihintay dito?" tanong niya.

"Hindi naman, halos kakarating ko lang."

Saris began caressing my hair. "Uwi na tayo? Pagod na pagod ka na, oh," aniya at hinaplos ang mga mata kong halos papikit na.

"Wala ka nang klase?" he shook his head.

Sabay kaming lumabas ni Sarus sa university pero, bago kami sumakay sa jeep, dumaan muna kami sa paborito naming kainan. 'Yong stall na nagtitinda ng pares malapit sa university namin.

"Dalawang pares po, saka pabili rin pong dalawang bote ng softdrinks," sabi ni Sarus. Nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Maupo ka muna do'n, love. Ako na dito," sabi niya at hindi na ako umangal pa. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao ngayon kaya mabilis akong nakahanap ng upuan.

Kinuha ko ang bag ko at niyakap 'yon bago ako sumubsob doon. Hindi ko alam kung bakit antok na antok ako lagi. Siguro hindi pa rin nakakapag-adjust ang katawan ko sa bagong schedules ko.

"Kuya, pakibalot na lang po pala. Inaantok na 'yong girlfriend ko, take-out na lang po namin." Napaangat ako ng tingin nang marinig si Leisarus. Pinanood ko siyang mag-abot ng bayad sa tindero bago kinuha ang plastic na naglalaman ng pares at dalawang softdrinks na nasa bote.

Naglakad siya palapit sa akin at tinapik ako. Umayos na ako ng upo at humikab.

"Tara na, uwi na tayo. Inaantok ka na," sabi niya. Tumayo naman ako at sinukbit ang bag ko pero, kinuha sa akin ni Sarus 'yon. "Ako na," sabi niya.

"Huh? Mabigat. May dala ka pang pagkain oh, ako na," sabi ko sabay bawi ng bag ko. Napailing si Sarus bago ibinaba ang hawak niyang plastic. Inilabas niya ang dalawang bote ng softdrinks at inabot sa akin.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon